Panagutin sa batas ang mga sangkot sa Bloody Sunday-CEAP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 902 total reads

Nanawagan ang Catholic Educational Association of the Philippines sa pamahalaan ng masusing imbestigasyon sa madugong operasyon ng pulis at militar sa Calabarzon region.

Sa pahayag ng CEAP dapat na managot ang mga sangkot sa marahas na operasyon laban sa mga uring manggagawa na napaslang.

“The Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) vehemently condemns the killing of the nine unarmed individuals. We call on relevant government agencies – the Department of Justice, the PNP, the AFP and the CHR – to conduct investigations on this matter and make sure those responsible for the killings are held accountable to the law of the land.” bahagi ng pahayag ng CEAP.

Noong Marso 7 nagsagawa ng operasyon ang PNP at mga sundalo sa Calabarzon region laban sa labor leaders na pinaghihinalaang kasapi ng makakaliwang grupo.

Nauwi sa karahasan ang pagsisilbi ng search warrants para sa mga baril at pampasabog kung saan siyam na indibidwal ang nasawi habang anim ang inaresto.



Nanindigan si Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. ng Anti Rebel Task Force na lehetimo ang operasyon.

“The police claim it was a legitimate operation and yet for an institution that should practice maximum tolerance and restraint in the use of force in dispensing its responsibilities,” dagdag ng CEAP.

Kinundena rin ng simbahang katolika ang tinaguriang ‘Bloody Sunday’ sapagkat ito ay tahasang paglabag sa karapatang pantao at kawalang paggalang sa dignidad ng buhay.

Panawagan ng institusyon sa mamamayan na iwaksi ang kultura ng kawalang pananagutan at ang pagiging normal sa lipunan ng mga patayan.

Iginiit ng CEAP na walang puwang sa lipunan ang anumang uri ng karahasan tulad ng nangyaring massacre at dapat na kondenahin ang pagsusulong ng kultura ng pagpaslang.

“We appeal again to the government, to not pursue the path force and violence but instead, address the roots of the problem of insurgency like poverty, marginalization, and the denial of basic human needs,” dagdag pa ng CEAP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 56,163 total reads

 56,163 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 160,524 total reads

 160,524 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 197,312 total reads

 197,312 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 227,887 total reads

 227,887 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 274,022 total reads

 274,022 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top