Mamamayan, inaanyayahan ng Pondo ng Pinoy sa isang songwriting contest

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 689 total reads

Inaanyayahan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang mamamayan sa gagawing songwriting contest.

Sa pahayag ng institusyon layon nitong mas maipalaganap at maipakilala sa publiko ang mga gawain ng Pondo ng Pinoy.

“Layunin nitong maibahagi sa publiko ang adhikain at ispiritwalidad ng Pondo ng Pinoy sa pamamagitan ng musika,” pahayag ng Pondo ng Pinoy.
Tema ng patimpalak ang “Pondo ng Pinoy: Simbolo ng Pagmamalasakit, Pag-asa, at Damayan”.

Ayon sa Pondo ng Pinoy inaasahang ang mensahe ng kanta ay nagbibigay pag-asa, nagpapalakas ng loob, naghahayag ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa sa gitna ng naranasang suliraning dulot ng pandaigdigang krisis pangkalusugan.

Maaring lumahok sa kompetisyon ang mga baguhan at propesyonal na mga mang-aawit, indibidwal o grupo basta’t ang mga awitin ay orihinal na likha.

Dagdag pa rito maari ring gumamit ng iba’t ibang genre ng awitin Pop, Jazz, Ballad, Classical, Soul, Blues, R&B, Gospel, Rock, Hip Hop at Rap.
Pagbabatayan naman sa kompetisyon ang 50% – lyrics or impact of the message; 30% composition or musicality; at 20% naman sa over-all impact.



Ito ang kauna-unahang patimpalak sa awit ng Pondo ng Pinoy kung saan ang mananalo ay makatatanggap ng Php 15, 000, certificate of recognition at souvenir items, special awards tulad ng People’s Choice Award sa pamamagitan ng Facebook at Youtube na maaring magwagi ng Ph 5, 000 bawat isa.

Ang proyekto ay kasabay ng pagdiriwang ng institusyon ng ika – 16 na anibersaryo gayundin sa pagdiriwang ng ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo sa bansa.

Para sa mga katanungan maaring mag-email sa [email protected] o magpadala ng mensahe sa Pondo ng Pinoy Facebook page.
Ang deadline ng lahat ng entries ay sa Abril 25, 2021 bago mag alas dose ng hatinggabi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 24,229 total reads

 24,229 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 74,595 total reads

 74,595 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 207,883 total reads

 207,883 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 293,265 total reads

 293,265 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 355,548 total reads

 355,548 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top