Kapayapaan at kapatiran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 568 total views

Mga Kapanalig, sinabi sa Efeso 4:31-32, “alisin ninyo ang anumang samaan ng loob, galit, pag-aaway, pambubulyaw, paninira sa kapwa, pati na ang lahat ng uri ng masasamang hangarin. Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isaʼt isa. At magpatawad kayo sa isaʼt isa gaya ng pagpapatawad ng Diyos sa inyo dahil kay Kristo.” Isa itong paalala kung paano natin dapat ituring ang isa’t isa. Ganito rin ang mensahe ng makasaysayang pagbisita ni Pope Francis sa Iraq nitong Marso.

Sa kabila ng mga panganib ng COVID-19 at banta ng terorismo, naging matagumpay ang tatlong araw na pagbisita ni Pope Francis sa Iraq mula ika-5 hanggang ika-8 ng Marso. Sa isang video message bago ang kaniyang pag-alis, sinabi niyang pupunta siya sa Iraq bilang pilgrim of peace and hope. Ipinarating ng Santo Papa sa mga mamamayan ng Iraq na inihihingi niya mula sa Panginoon ang kapatawaran at pagkakasundo sa ilang taóng karahasan dulot ng digmaan at hindi pagkakasundong bumabalot sa bansa.



Katulad ng ilan pang mga bansa sa Middle East, balót ang Iraq ng tensyong nakaaapekto sa kapayapaan at seguridad ng mga komunidad doon. Sa Religious Freedom in the World Report 2018, kasama ang Iraq 38 sa 196 na mga bansang mayroong religious freedom violations o mga paglabag sa karapatan sa malayang pagpapapahayag ng kanilang pananampalataya. Labimpito sa mga bansang ito ay nasa kategorya ng “discrimination” dahil sa “institutionalization of intolerance” o pagkakaroon ng mga patakarang lantarang ginugulo o ginigipit ang mga mamamayan base sa kanilang relihiyon at pananampalataya. Samantala, 21 bansa naman ang nasa kategorya ng “persecution” dahil sa lantarang pag-atake ng mga grupong ginagamit ang kanilang relihiyon upang makapanira ng ari-arian ng ibang taong iba ang paniniwala, upang paalisin sila sa kanilang mga tirahan, at upang kumitil ng mga buhay. Dagdag pa ng report, 80% ng lahat ng paniniiil na nag-uugat sa relihiyon sa buong mundo ay nakadirekta sa mga Kristiyano, bagay na nakikita natin sa mga bansang katulad ng Iraq.

Mula nang magsimula ang mga digmaan at tensiyon sa Iraq noong 2003, labis na nagdusa ang mga Kristiyano sa mga pagpatay, panggigipit, at karahasan ng mga militanteng grupo. Gayunman, sa kabila ng ilang naganap na pambobomba ilang linggo lamang bago ang kanyang pagbisita, determinado pa rin si Pope Francis na maghatid ng pag-asa, paghilom, at mensahe ng kapayapaan sa mga tao roon. Hangad ng Santo Papa na pagkaisahin ang mga mamamayan sa Iraq sa kabila ng pagkakaiba sa pananampalataya, pananaw, at mga tradisyon. Aniya, dapat na manaig ang kapatiran upang makamtan ang kapayapaan sa lipunan. Sa kanyang pagbisita sa apat na siyudad sa Iraq na nawasak sa ilalim ng pananakop ng Islamic State, nais niyang biyayaan ng pag-asa ang mga tao, lalo na ang mga Katolikong biktima ng karahasan at lubos na naghirap sa kamay ng mga taong may ibang paniniwala. Hinimok niya ang mga Kristiyano roong huwag panghinaan ng loob at bagkus ay magpatawad.

Sa makasaysayang papal visit ng Santo Papa, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagtataguyod ng fraternity o kapatiran. Panawagan niya sa mga mananampalataya roong igalang ang pananaw ng iba at mabuhay nang nagtutulungan at nagkakasundo. Sa pag-uumpisa ng mga Kristiyano roong muling ayusin ang kanilang mga tahanan, gusali, at simbahan, sinabi ni Pope Francis na ito ang tamang panahon upang mapanumbalik hindi lamang ang mga nasirang gusali kundi pati ang “bonds of the community” o mga bagay na nagbubuklod sa mga pamayanan.

Mga Kapanalig, katulad ng panawagan ng Santo Papa sa kaniyang ensiklikal na Fratelli Tutti, “halina’t mangarap tayo bilang isang pamilya, bilang kapwa manlalakbay, bilang mga anak ng iisang daigdig na ating tahanan, kung saan ibinabahagi ng bawat isa ang kani-kaniyang paniniwala, at nagpapahayag na magkakapatid tayong lahat.”

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 119,838 total views

 119,838 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 150,060 total views

 150,060 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 176,708 total views

 176,708 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 271,681 total views

 271,681 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 284,959 total views

 284,959 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 119,839 total views

 119,839 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 150,061 total views

 150,061 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 176,709 total views

 176,709 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 271,682 total views

 271,682 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »
Scroll to Top