Pinuno ng Caritas Manila at Radio Veritas, nagpositibo sa COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 56,521 total reads

Nanawagan ang Caritas Manila at Radio Veritas ng panalangin para sa mabilis na kagalingan ng pinuno ng dalawang institusyon ng Simbahang Katolika matapos magpositibo sa COVID-19.

Nabatid sa isinagawang RT-PCR swab test na positibo si Rev. Fr. Anton CT Pascual at ilang opisyal at kawani ng Caritas Manila sa COVID-19.

Kasalukuyang nagpapagaling sa COVID-19 si Fr. Pascual sa Cardinal Santos Medical Center habang naka-quarantine naman ang mga kawani ng Caritas Manila na nagpositibo sa nakakahawang sakit.

Matatandaang sa pamumuno ni Fr Pascual, naging aktibo ng Caritas Manila sa pagtugon sa mga pangangailangan dulot ng COVID-19 sa pamamgitan ng pamamahagi ng mga COVID-19 kits, 1.5-bilyong pisong “Gift Certificates” at Caritas Manna packs sa mahigit kumulang 6-milyong indibidwal.

Pinagpatuloy din ng Caritas ang pagsuporta sa mga batang scholars sa kabila ng pandemya.

Naging aktibo naman ang Radyo Veritas sa pagtugon sa mga pangangailangang kumunikasyon at koordinasyon sa mga simbahan, mga diyosises at LGUs sa panahon ng lockdown at quarantine.

PRAYER POWER

Tuwing alas-sais ng gabi ay nagdarasal at nagrorosaryo ang mga kawani ng Caritas Manila sa pangunguna ni Rev. Fr. Gilbert Kabigting para sa mabilis na paggaling sa COVID-19 ni Fr. Pascual at mga nagpositibo sa sakit.

Kaugnay nito, isinailalim sa “lockdown” ang buong tanggapan ng Caritas Manila sa Jesus St.,Pandacan, Manila mula ika-20 hanggang ika-28 ng Marso, 2021.

Isasailalim ang tanggapan sa dalawang araw na ‘disinfection’. Sa kabila ng lockdown, tiniyak naman ng pamunuan ng Caritas Manila ang patuloy na pagbibigay serbisyo at tulong sa mga nangangailangan lalu na ang mga apektado ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng libu-libong volunteer ng Social Arm ng Archdiocese of Manila na nakakalat sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila at karatig lalawigan.

Mahigit isang taon ng ipatupad ang total lockdown sa buong bansa dahil sa COVID-19 pandemic, patuloy na naging aktibo at nangunguna sa pagbibigay ng tulong sa apektado ng sakit ang Caritas Manila.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 52,659 total reads

 52,659 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 102,690 total reads

 102,690 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 223,269 total reads

 223,269 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 273,627 total reads

 273,627 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 398,699 total reads

 398,699 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 365,841 total reads

 365,841 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 471,927 total reads

 471,927 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top