Archdiocese of Nueva Segovia, tuloy-tuloy ang programa para sa mahihirap.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 869 total reads

Sa kabila ng pandemya ay nagpatuloy ang Archdiocese ng Nueva Segovia sa pagsasagawa ng mga programa na naglalayong makatulong sa mga mahihirap na mamamayan sa probinsya ng Ilocos Sur sa tulong ng Pondo ng Pinoy at Caritas Manila.

Sa panayam ng programang Caritas in Action kay Rev. Fr. Danilo Martinez, Social Action Director ng Caritas Nueva Segovia, ikinagalak nito na sa kabila ng mga pagsubok dulot ng pandemya ay hindi pa rin natigil ang kanilang mga programa para sa mga mangingisda, magsasaka at mga mag-aaral ng Arkidiyosesis.

Ayon kay Fr. Martinez, malaking tulong ang suporta ng Pondo ng Pinoy at Caritas Manila para maipagpatuloy nila ang kanilang mga nasimulang programa.

Inihayag ng Pari na nang magsimula ang mahigpit na pagpapatupad ng lockdown noong nagdaang taon ay nakapagsagawa sila ng mga “relief assistance effort” sa tulong ng dalawang nasabing institusyon.

“Marami na kami natulungan sa program ng Pondo ng Pinoy, una nakapagbigay kami ng babuyan sa mga Parishes, meron din mga community ng mga Madre na kasama yung mga trabahador nila doon sa community, nakapagbigay na din kami ng computer set sa different Chapels ng mga schools sa Archdiocese and at the moment under implementation yung pagbibigay namin ng fishing equipment sa isang island ditto. Pondo ng Pinoy gave us an amount during the pandemic kaya nagpapasalamat kami sa Pondo ng Pinoy ganun na din sa Caritas Manila at Radyo Veritas dahil sa kanilang tulong sa mga nangangailangan” dagdag pa ng Social Action Director ng Archdiocese of Nueva Segovia.

Umaasa si Fr. Martinez na mas mapapalakas pa nila ang pagtulong sa mga nangangailangan lalo na’t marami pa din ang lumalapit sa kanila dala ng kahirapan.

Ang Pondo ng Pinoy ay patuloy na tumutulong sa iba’t-ibang Diyosesis sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga bente singko sentimos na nalilikom sa mga paaralan at mga parokya habang ang Caritas Manila ay nagpapatuloy din sa pagsasagawa ng mga donation drive para sa mga programa sa mga mahihirap at naapektuhan ng kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 31,854 total reads

 31,854 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 63,126 total reads

 63,126 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 141,045 total reads

 141,045 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 235,272 total reads

 235,272 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 294,608 total reads

 294,608 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 100,083 total reads

 100,083 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top