Ipagdasal ang mga nasa NCR Plus Bubble, hiling ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 649 total reads

Umapela ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng taimtim at maalab na panalangin para sa kapakanan ng bawat isa partikular ang mga nasa tinaguriang NCR Plus Bubble na muling isinailalim sa Enhanced Community Quarantine dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles, dapat na magkaisa ang bawat mananampalataya sa pananalangin na mawakasan na ang paglaganap ng virus.

Partikular na hinikayat ng Arsobispo ang pananalangin para sa kaligtasan at kapakanan ng lahat mula sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na muling isinailalim sa ECQ sa loob ng isang linggo mula ika-28 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril.

Ayon kay Archbishop Valles, hindi dapat na ipagsawalang bahala ang pagdurusa at paghihirap ng kapwa mula sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic lalo na ang mga mahihirap at manggagawa na lubos na maaapektuhan ang kita dahil sa muling pagpapatupad ng ECQ.

Binigyang diin naman ng Arsobispo ang kahalagahan ng pagtutulungan at ugnayan ng Simbahan at ng mga lokal na pamahalaan upang higit na maipatupad at matiyak ang maghigpit na pagsunod ng bawat isa sa mga safety health protocol bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng COVID-19 virus sa bansa.

Umaasa naman si Archbishop Valles na sa kabila ng muling pagbabawal sa pagsasagawa ng religious activities ngayong Semana Santa ay mapuno pa rin ng pag-asa ang lahat sa pag-ibig at pangakong kaligtasan ng Panginoon para sa sangkatauhan.

 

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 56,228 total reads

 56,228 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 108,508 total reads

 108,508 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 229,088 total reads

 229,088 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 279,446 total reads

 279,446 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 404,257 total reads

 404,257 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top