OFW’s, itinuturing ng CBCP na makabagong misyunero at katekista

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 623 total reads

Itinuturing ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) na mga makabagong misyunero at katekista ang Overseas Filipino Workers na naghahanap buhay at naninirahan sa iba’t ibang bansa.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos – Vice Chairman ng kumisyon, malaki ang papel na ginagampanan ng mga OFW lalo na sa hanay ng pag-aaruga sa mga bata upang mahubog ito ng may pananampalataya sa Panginoon sa pamamagitan ng pagtuturo na magdasal at maging magalang sa kapwa at mga magulang.

Ipinaliwanag ng Obispo na siya ring Pangulo ng International Catholic Migration Commission (ICMC) – Asia-Ocenia Working Group na bilang mga makabagong katekista ay malaki ang ambag ng mga OFW sa paghuhubog ng mabubuting mga miyembro ng lipunan saan mang bansa o lugar sila naroroon.

Bilang mga misyunero, sinabi ni Bishop Santos na ang mga Filipino din ang pumupuno at nagiging katuwang ng Simbahan sa higit na pagpapalaganap ng Mabuting Salita ng Panginoon.

“They are modern day catechists and missionaries. As catechists they teach also prayers to the children under their care, telling how to be respectful and responsible sons and daughters to their parents. With them the children are being formed to be good and do their best in schools, in the community. As missionaries, they fill up the Church, helping and assisting with the works in the parishes.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Matatandaang una ng kinilala ng Kanyang Kabanalan Francisco ang matatag na pananampalataya ng mga mamamayang Filipino na ginugunita ngayong taon ang ika-500 taon ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa bansa.

Ayon kay Pope Francis, kahanga-hanga ang malalim at matatag na pananampalataya ng mga Filipino na patuloy ring nagsisilbing misyunero ng ebanghelyo maging sa iba’t ibang bansa.

Sa tala aabot sa mahigit 10-milyon ang bilang ng mga Filipino migrants ang naninirahan at naghahanapbuhay sa may halos 100 iba’t ibang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 36,875 total reads

 36,875 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 122,649 total reads

 122,649 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 169,387 total reads

 169,387 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 217,259 total reads

 217,259 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 319,477 total reads

 319,477 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top