Tanggapan ng Radio Veritas, isinailalim sa “pansamantalang lockdown”.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 55,343 total reads

Tiniyak ng himpilan ng Radio Veriras 846-ang Radyo ng Simbahan na patuloy na mapakikinggan sa himpapawid at mapapanood sa pamamagitan ng video streaming at Veritas 846 facebook page ang mga misa at mga programa ng himpilan.

Ito ay kaugnay sa ipatutupad na ‘pansamantalang lockdown’ o pagsasarado ng Radio Veritas main studio na matatagpuan sa 162 West avenue corner Edsa Quezon City dulot na rin ng pagpositibo ng ilang kawani ng Covid-19 simula April 14.

Ang hakbang ay bilang pagtugon sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force at bigyang daan ang isasagawang ‘disinfection’ ng buong gusali na bahagi ng pag-iingat ng higit pang pagkalat ng nakakahawang sakit.

Humingi rin ng pang-unawa at panalangin ang Radio Veritas sa mga Kapanalig dahil sa pansamantala pagsasara ng tanggapan kung saan hindi muna pinahihintulutan ang pagtanggap ng mga ‘walk in’ Kapanalig members at application, gayundin ang Truth Shop at mga hihingi ng tulong sa programang Caritas in Action.

Pansamantalang ginagamit ng Radyo Veritas ang transmitter sa Taliptip Bulacan, upang patuloy na makapaglingkod at mapakinggan ang mga inihandang mga programa. Kabilang sa mapakikinggan ang mga banal misa, pagninilay ng mga pari at obispo gayundin ang mga gawain ng simbahan para sa pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay sumasailalim sa swab testings at contact tracing ang Radio Veritas upang malaman ang kalagayan ng iba pang mga kawani kasabay na rin ng isasagawang paglilinis sa buong gusali upang matiyak ang kaligtasan ng lahat. Para sa mga kapanalig na nais na magbigay ng kanilang ‘pledge’ at donasyon ay maari itong isagawa online na makikita sa veritas846.ph website. Maglalabas ng karagdagang pahayag ang himpilan sa lalung madaling panahon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 28,537 total reads

 28,537 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 51,128 total reads

 51,128 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 87,628 total reads

 87,628 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 308,253 total reads

 308,253 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 341,224 total reads

 341,224 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 234,953 total reads

 234,953 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 369,244 total reads

 369,244 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top