Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Unahin ang kapakanan ng mamamayan kaysa pagtambak ng dolomite sa Manila bay

SHARE THE TRUTH

 548 total views

Hinimok ng opisyal ng simbahan ang pamahalaan na unahing tugunan ang pangangailangan ng mamamayan.

Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, mahalagang bigyang prayoridad ang kasalukuyang suliranin sa kalusugan ng tao at ekonomiya.

“Kung talagang ang problema ngayon ay COVID-19 ay talagang dapat ang atensyon natin at ang ating mga finances ay nakalagay jan; tugunan muna natin ang pangangailangang pangkalusugan at ekonomiya ng mga tao,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa muling pagtatambak ng mga dolomite sa Manila Bay bilang bahagi ng Manila Bay Rehabilitation Program na inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Dismayado si Bishop Pabillo sa mga hakbang ng pamahalaan na inuuna ang hindi napapanahon at pinag-aralang proyekto na una nang binatikos makaraang anurin sa dagat ang mga dolomite nang manalasa ang bagyo noong nakalipas na taon.

Igniit ng obispo dapat na unahin ang kapakanan ng mamamayan sa halip na ipagpatuloy ang naturang proyekto.

“Parang walang priority ang gobyerno, it shows a kind of insensitivity sa pangangailangan ng mga tao,” giit ni Bishop Pabillo.

Lalong ikinadismaya ng obispo ang pagpapatuloy ng dolomite project dahil marami ang nawalan ng trabaho at walang sapat na pambili ng pagkain ang mamamayan noong muling ipinatupad ang enhanced community quarantine ng dalawang linggo sa National Capital Region at karatig lalawigan.

Ang naturang proyekto na nagkakahalagang 389-milyong piso ay pinaniniwalaang hindi dumaan sa wastong pag-aaral kung saan unang nanindigan ang Greenpeace Philippines na hindi ito makalulutas sa suliranin sa Manila Bay.

Umaasa si Bishop Pabillo na mas higit na tutugunan ng pamahalaan ang pangunahing pangangailangan ng mamamayan tulad ng pamamahagi ng ayuda at pagpapalakas sa vaccination rollout na makatutulong mabawasan ang epekto ng coronavirus sa mamamayan.

“Sa halip na gagastos sa dolomite, yung budget pwede namang ma-realign; magbigay ng ayuda sa mga mahihirap, sa mga nawalan ng trabaho at ganun din ang pagbabakuna na mas kailangan natin ngayon,” saad pa ni Bishop Pabillo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,343 total views

 6,343 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,327 total views

 24,327 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,264 total views

 44,264 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,457 total views

 61,457 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,832 total views

 74,832 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,433 total views

 16,433 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 23,303 total views

 23,303 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Scroll to Top