Unahin ang kapakanan ng mamamayan kaysa pagtambak ng dolomite sa Manila bay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 766 total reads

Hinimok ng opisyal ng simbahan ang pamahalaan na unahing tugunan ang pangangailangan ng mamamayan.

Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, mahalagang bigyang prayoridad ang kasalukuyang suliranin sa kalusugan ng tao at ekonomiya.

“Kung talagang ang problema ngayon ay COVID-19 ay talagang dapat ang atensyon natin at ang ating mga finances ay nakalagay jan; tugunan muna natin ang pangangailangang pangkalusugan at ekonomiya ng mga tao,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa muling pagtatambak ng mga dolomite sa Manila Bay bilang bahagi ng Manila Bay Rehabilitation Program na inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Dismayado si Bishop Pabillo sa mga hakbang ng pamahalaan na inuuna ang hindi napapanahon at pinag-aralang proyekto na una nang binatikos makaraang anurin sa dagat ang mga dolomite nang manalasa ang bagyo noong nakalipas na taon.

Igniit ng obispo dapat na unahin ang kapakanan ng mamamayan sa halip na ipagpatuloy ang naturang proyekto.

“Parang walang priority ang gobyerno, it shows a kind of insensitivity sa pangangailangan ng mga tao,” giit ni Bishop Pabillo.

Lalong ikinadismaya ng obispo ang pagpapatuloy ng dolomite project dahil marami ang nawalan ng trabaho at walang sapat na pambili ng pagkain ang mamamayan noong muling ipinatupad ang enhanced community quarantine ng dalawang linggo sa National Capital Region at karatig lalawigan.

Ang naturang proyekto na nagkakahalagang 389-milyong piso ay pinaniniwalaang hindi dumaan sa wastong pag-aaral kung saan unang nanindigan ang Greenpeace Philippines na hindi ito makalulutas sa suliranin sa Manila Bay.

Umaasa si Bishop Pabillo na mas higit na tutugunan ng pamahalaan ang pangunahing pangangailangan ng mamamayan tulad ng pamamahagi ng ayuda at pagpapalakas sa vaccination rollout na makatutulong mabawasan ang epekto ng coronavirus sa mamamayan.

“Sa halip na gagastos sa dolomite, yung budget pwede namang ma-realign; magbigay ng ayuda sa mga mahihirap, sa mga nawalan ng trabaho at ganun din ang pagbabakuna na mas kailangan natin ngayon,” saad pa ni Bishop Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 33,375 total reads

 33,375 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 131,326 total reads

 131,326 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 175,595 total reads

 175,595 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 198,704 total reads

 198,704 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 272,284 total reads

 272,284 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top