Caritas network at Social Action Centers, nagsasagawa ng assessment sa pinsala ng bagyong Bising

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 663 total reads

Magsasagawa ng assessment ang mga tanggapan ng Caritas Network at Social Action Center sa iba’t-ibang lalawigan na naapektuhan ng bagyong Bising upang malaman ang lawak ng naging pinsala nito.

|Ito ay matapos na manalasa sa ilang lalawigan sa Bicol Region at Samar Province ang bagyo na itinuring na pinakamalakas na nabuo ngayong taon ngunit hindi naman direktang tumama sa kalupaan ng Pilipinas.

Ayon kay Rev. Fr. Renato Dela Rosa ng Diocese of Virac sa Catanduanes, naghanda na sila ng mga relief goods na maaring ipamigay sa mga naapektuhang residente.

Magugunitang noong taong 2020 ay labis na napinsala ng bagyong Rolly ang lalawigan dahilan upang hindi pa tuluyang makabangon ang marami sa mga residente.

Sa Diocese ng Legaspi sa Albay, inihayag ng bagong talagang Social Action Director nito na si Rev. Fr. Eric Martillano na nakikipag-ugnayan na sila sa lokal na pamahalaan at iba’t-ibang mga parokya upang alamin ang naging pinsala ng bagyo.

Ilan aniya sa mga residente ang inilikas dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa.

“Simula kagabi hanggang ngayon, moderate to heavy ang ulan all over Albay.. May mga evacuees since yesterday especially sa mga areas na flood and landslide prone.”

Kaugnay nito maagap din na nakipag ugnayan ang Caritas Caceres sa lalawigan ng Camarines Sur upang matiyak na mababantayan ang naging epekto ng bagyong Bising.

Sinabi ni Caritas Caceres Director Rev. FR. Marc Real na una na nilang hiniling sa mga Parokya sa Archdiocese na buksan ito para sa mga residente na naapektuhan ng bagyo.

“We have a few parishes who reported to house evacuees already. We have sent communication to our priest to open their churches/parish hall as temporary shelter. We promised to send them assisstance once we gather data.” Pahayag ni Fr. Real.

Sa kasalukuyan ay patuloy na nagbabanta ang bagyong Bising sa ilang mga lalawigan sa hilagang silangan ng Luzon bagamat bahagyan na itong humina.

Batay sa datos noong taong 2020 kung saan naranasan sa bansa ang pananalasa ng bagyong Rolly ay umabot sa mahigit 385 libong indibidwal ang naapektuhan nito partikular na sa Bicol Region.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 31,906 total reads

 31,906 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 129,911 total reads

 129,911 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 174,180 total reads

 174,180 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 197,289 total reads

 197,289 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 270,911 total reads

 270,911 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 110,120 total reads

 110,120 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top