‘Foreign funds pull cash out’, walang kinalaman sa EJK issue

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 339 total views

Hindi dapat mabahala ang publiko sa ulat na nag-pull-out ng kanilang investments sa Pilipinas ang mga foreign fund managers na naging sanhi ng pagtamlay ng stock na hinihinalang dahilan ay ang kampanya ng administrasyong Duterte laban sa ilegal na droga kung saan maraming kaso ng extrajudicial killings.

Ayon kay Astro del Castillo, stock market at securities analyst, nakakaalarma ang artikulo kaya’t ipinaliwanag nito na ang mga nagaganap sa ibang bansa gaya sa Amerika na pagtaas ng kanilang interest rate ang dahilan.

“Alarming ang article, i-clarify ko lang, karamihan ng merkado medyo matamlay dahil sa kaganapan abroad dahil sa posibleng pagtaas ng interest rate sa Amerika, gumaganda nga ang ekonomiya nila pero ang mga fund managers kailangang mag-adjust, pag umaakyat ang interest rate sa Amerika, magsi-shift ang pondo from the stock market to the bond market slowly, kung makikita ninyo di lang bansa natin ang medyo tumamlay pati ibang merkado,” ayon kay del Castillo sa panayam ng Radyo Veritas.

Sa halip, iginiit pa ni del Castillo na sa kasalukuyan mas tumaas pa ang kumpiyansa ng mga foreign investors gaya sa usapin ng turismo na dumagsa pa ngayon.

“Sa tingin ko halos wala naman, mas mataas ang kumpiyansa ngayon kung titingnan ninyo ang mga hotels halos fully-booked dahil sa mga bisita na may interest pa rin sa bansa, makikita natin yan after several months, for the meantime during this period lalo na katatapos lang ng August o yung tinatawag na ghost month, expected na mahina talaga ang merkado hopefully itong September looking forward medyo things will be better,” pahayag pa ni del Castillo.

Naniniwala rin si Del Castillo na walang kinalaman ang usapin ng peace and order sa bansa lalo na ang sinasabing extrajudicial killings sa pag-pull-out ng ibang stocks na bagama’t ang mga ito ay mga portfolio investments lang o yung mga panandaliang kapital.

“Yes yes, I’m pretty confident kasi every time we mingle with other fund managers-investors hindi naman nadi-discuss o nare-relate ang reaction ng merkado sa nangyayaring Extrajudicial Killings or war on drugs, however ibang usapin yun, ang tingin ng investors the government is putting the house in order and kailangan ng mga tao na isumbong ang mga nagco-commit ng mali sa isang programang gusto talagang ibalik ang peace and order sa ating bansa, and mga hot money lang naman ito.Mga portfolio investment lang ito, mga panandilaang capital, pero yung nakikita nating fundamental at mga interest ng investors andito pa rin, kung makikita ninyo pati piso humina, nag aadjust talaga ng merkado, yung langis the past few weeks tuloy-tuloy ang pag akyat niya so talagang nagkakaroon ng adjustments ang mga foreign fund managers,” ayon pa sa stock analyst.

Napaulat nitong nakaraang linggo ang pag pull-out ng pera sa Pilipinas ng mga foreign fund managers na naging sanhi ng pagbagsak ng stock na sinasabing karagdagang investments ito sa bansa na $276 billion equity market sa ilalim ng administrasyong Duterte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 23,947 total views

 23,947 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 48,263 total views

 48,263 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 84,053 total views

 84,053 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 125,529 total views

 125,529 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 177,234 total views

 177,234 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 15,392 total views

 15,392 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 233,539 total views

 233,539 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top