Earth Day 2021, paalala na itigil na ang pagwasak sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,617 total reads

Umaasa ang Caritas Philippines na ganap na naipaalala ng paggunita ng Earth Day 2021 ang responsibilidad ng bawat isa sa komunidad na maging tagapangalaga ng kalikasang kaloob ng Panginoon sa sanlibutan.

Ayon kay Caritas Philippines Executive Secretary Rev. Fr. Antonio Labiao, Jr. mahalagang mamulat ang bawat isa sa iniatang na responsibilidad ng Panginoon sa lahat na maging tagapangasiwa ng kanyang biyaya laban sa hindi makatarungan at mapang-abusong pagtrato sa kalikasan at mga likas na yaman.

“Earth Day reminds us of our responsibility as individuals as communities to take care of our environment, maraming nangyayari sa ating kalikasan na masabi nating injustice, hindi makatarungan na pagtrato sa ating kalikasan kaya sana ang araw na ito ay araw ng muling pagpapahalaga ng kalikasan, pagpapahalaga ng ating mga responsibilidad sa pangangalaga ng kalikasang ito.” ang bahagi ng pahayag ni Caritas Philippines Executive Secretary Rev. Fr. Antonio Labiao, Jr.

Paliwanag ng Pari, bilang indibidwal marapat lamang na magsikap na mabuhay ng simple ang bawat isa kung saan hindi dapat na mangibabaw ang pagsusulong ng pansariling interes na kadalasang nauuwi sa pagkamkam sa biyayang para sa kapwa.

Pagbabahagi ni Fr. Labiao , kasabay ng pamumuhay ng payak at matuwid marapat din magkibahagi ang bawat isa sa komunidad at sa Simbahan para sa pagsusulong ng mga gawaing makapaghihilom sa pagkasira ng kalikasan tulad ng sama-samang pagtatanim ng mga punong kahoy at mga halaman gayundin ang pagtataguyod ng urban gardening at sustainable argiculture.

Giit ng Pari, mahalagang maging maagap ang lahat sa patugon sa pagkasira ng kalikasan kung saan dapat na ring agad na mawakasan ang walang habas na pagmimina at paggamit ng fossil fuel o coal mining na maituturing na mapangwasak na industriya.

“Ihinto narin natin ang walang control na pagmimina, ang mga destructive mining na nakakasira sa ating kalikasan kaya bilang isang Simbahan, bilang isang komunidad let us promote renewable energy, iwasan natin ang paggamit lalo na yung tinatawag nating fossil fuel or coal mining…” Dagdag pa ni Fr. Labiao.

Matatandaang una ng binigyang diin ng social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kahalagahan ng sama-samang pagsusulong at pagtataguyod ng environmental justice bilang mga tagapangasiwa ng biyayang ipinagkaloob ng Panginoon sa sanlibutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 50,606 total reads

 50,606 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,351 total reads

 147,351 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,620 total reads

 191,620 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,729 total reads

 214,729 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,639 total reads

 287,639 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top