Kabataan, hinimok ng CBCP na makibahagi sa usaping panlipunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 919 total reads

Mahalagang makibahagi ang mga kabataan sa mga kasalukuyang usaping panlipunan na magsisilbing batayan ng hinaharap at kinabukasan ng bayan.

Ito ang binigyang diin ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon – Chairman, CBCP Episcopal Commission on Youth kaugnay sa naganap na TEND TALKS: A Webinar on Death Penalty.

Ayon sa Obispo, ang usapin ng pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa ay isang usapin na dapat na maging aktibo ang mga kabataan upang mapigilan ang muling pagsasabatas ng hindi makatao at maka-Diyos na parusa.

Umaasa rin si Bishop Alarcon na maging epektibong paraan ang naging talakayan upang higit na mapaunawa sa mga kabataan ang dapat na pagsusulong sa restorative justice sa bansa sa halip na pagbabalik ng parusang kamatayan.

“Dear young people why should we be concern, because this is about us, our community our culture and our future. I trust this webinar will promote awareness, understanding, and commitment to action against death penalty towards restorative justice.” ang pahayag ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon.

Ipinaliwanag ng Obispo na bilang mga Kristiyano at taga-sunod ni Kristo ay dapat higit maunawaan ng bawat isa na ang pag-ibig ay higit na mas matimbang sa galit at ang awa ay higit na mas matimbang sa paghihiganti.

Pagbabahagi ni Bishop Alarcon, ang pag-ibig at awa ay pawang nagsasantabi sa anumang uri ng karahasan, pang-aabuso at higit sa lahat ay pagpatay. Iginiit ng Obispo na pag-ibig, awa at katarungan na nagmula sa Panginoon ay nangangahulugan ng buhay at pagbabagong buhay para sa mga naligaw o nakagawa ng kasalanan.

“As followers of Jesus we believe love is stronger than hate, mercy is stronger than revenge, love and mercy says no to abuse, exploitation, and murder. Justice, love and mercy are a call to convertion to restoration. Justice, love and mercy are a call to life.” Dagdag pa ni Bishop Alarcon.

Ang TEND TALKS: A Webinar on Death Penalty ay magkatuwang na inorganisa ng CBCP – Episcopal Commission on Youth (ECY) at CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 54,392 total reads

 54,392 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 150,921 total reads

 150,921 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 195,190 total reads

 195,190 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 218,299 total reads

 218,299 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 291,003 total reads

 291,003 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top