Health system ng bansa, bigong pangalagaan ang mamamayan laban sa COVID 19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 506 total reads

Hindi pa rin sapat ang kahandaan sa sistemang pangkalusugan ng Pilipinas upang mapangalagaan ang mamamayan laban sa patuloy na epekto ng coronavirus disease sa bansa.

Ito ang binigyang diin ni Peter Julian Cayton, PhD, Statistics Associate Professor ng University of the Philippines – Diliman bunsod ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 lalong-lalo na sa NCR plus bubble na sakop ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

“Meron talagang pagtaas ng mobility ng tao noong mga nagdaang [buwan] dahil unti-unting nagluluwag tayo ng ekonomiya. Dumarami ‘yung tao sa labas para makapagtrabaho, para makapamili ng mga pangangailangan,” pahayag ni Cayton sa programang Barangay Simbayanan.

Ipinaliwanag ni Cayton na sa kabila ng umiiral na krisis pangkalusugan, hindi pa rin maiwasan ng mga tao na lumabas ng kanilang mga tahanan upang makapag-hanapbuhay at maghanap ng makakain.

Ito ang tinitingnang dahilan ng muling pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa nakahahawang sakit na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin mahanapan ng lunas at patuloy na nagpapahirap sa marami.

“Hindi naman masamang pumunta sa mga grocery especially sa pangangailangan, pero hindi handa ‘yung ating mga prevailing systems sa healthcare, sa contact tracing, sa testing para ma-accommodate ‘yung suddenly pagtaas nung mobility back to pre-pandemic levels na kung saan ang typical reason naman ay for survival, for essential needs,” paliwanag ni Cayton.

Samantala, panawagan naman ni Cayton na nawa’y mas bigyan pang pansin ng pamahalaan lalo’t higit ng Department of Health ang pagsasaayos at tamang pagtatala ng datos ng mga nagkakaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito’y upang lubusang maunawaan ng mga tao ang katotohanan sa estado ng nakahahawa at nakamamatay na sakit bilang dagdag na kaalaman hinggil sa patuloy na pag-iral ng pandemya.

“Kahit [na] primary data source ang DOH, dapat ay maging maingat sila kung paano inaayos ang datos na natatanggap nila. Nauunawaan namin na mahirap iyon kasi nga marami silang hawak ngayon. Sila rin ang primerong departamento para sa pag-response sa COVID-19. sila rin yung humahawak ng datos, marami silang responsibilidad,” ayon kay Cayton.

Batay sa pag-aaral, dalawa sa tatlong naitatala ng DOH na gumagaling mula sa COVID-19 ay walang date of recovery.

Ito ang tinitingnang isang malaking pagkukulang ng ahensya sa kanilang COVID-19 Recovery Data Set kung saan kadalasang ito’y “delayed” o hindi kaya’y kulang ang naitatalang datos ng mga gumagaling sa nasabing sakit.

Sa huling tala ng DOH, umabot na ngayon sa 1,037,460 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan nasa 946,318 ang kabuuang bilang ng mga gumaling at 17,234 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 14,919 total reads

 14,919 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 73,404 total reads

 73,404 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 158,771 total reads

 158,771 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 205,507 total reads

 205,507 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 253,378 total reads

 253,378 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 353,757 total reads

 353,757 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 170,558 total reads

 170,558 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top