PPC, tutol sa pagtatayo ng planta ng karbon sa Quezon province

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 865 total reads

Hinihiling ng grupong Power for People Coalition na ihinto na ang binabalak na pagtatayo ng planta ng karbon sa Atimonan, Quezon.

Ito ay ang 1,200-Megawatt Project na Atimonan One Energy na pinangangambahan ng mga residente na mapanganib sa kalikasan lalung-lalo na sa kalusugan ng tao bunsod ng maruming usok na maaaring ilabas nito.

Ayon kay Gerry Arances, pinuno ng grupong P4P na ito’y dapat nang bawiin ng Manila Electric Company o MERALCO upang hindi na makapinsala pa ang maruming enerhiya na ito.

Saad pa ni Arances na nangunguna rin ang Bank of the Philippine Islands sa pagbibigay ng pondo upang maitayo ang ganitong uri ng planta.

“Alam naman natin na ang pondo ng mga bangko ay napupunta kung saan sila maaring tumubo, at kita natin ngayon na hindi kabilang dito ang coal. Wala nang dahilan para hindi kanselahin ang proyekto ng coal sa Atimonan,” pahayag ni Arances.

Samantala, nagpahayag rin ng suporta si Fr. Warren Puno, Direktor ng Ministry of Ecology ng Diocese ng Lucena at sinabing kanilang ipagpapatuloy ang pakikipaglaban upang hindi na matuloy ang pagtatayo ng planta sa Atimonan, gayundin, para hindi na ito makapaminsala pa sa kalikasan maging sa kalusugan ng tao.

 

[smartslider3 slider=21]

 

“Magpapatuloy kami sa pagkontra sa coal dahil sa masasamang epekto nito. Nararapat lamang na kanselahin na ng Meralco ang proyekto nito sa Atimonan para hindi na lumala pa ang kalagayan ng kalikasan,” saad ni Fr. Puno.

Nauna rito’y isinantabi na ng MERALCO ang proyektong coal-fired power plant sa Subic, Zambales na hawak ng kumpanyang Redondo Peninsula Energy o RP Energy.

Ayon kay Arances, ito’y tagumpay ng mga komunidad na nanguna sa pakikipaglaban upang hindi na ito makapaminsala pa sa kalikasan at magdulot ng kapahamakan sa mga residente.

Matagal nang isinusulong ng Withdraw from Coal ang paglaban sa pagtatayo ng mga planta ng karbon sa buong bansa kung saan napag-alamang aabot sa 15 bangko ang nagbibigay ng pondo para suportahan ang pagtatayo nito.

Batay sa katuruang panlipunan ng Simbahan, bagamat pabor ito na kumita ang mga kumpanya o namumuhunan, kinakailangang isaalang-alang na ang kita nito ay hindi nagdudulot ng kapahamakan sa kalikasan lalo’t higit sa kalusugan ng tao.

Ayon naman sa pag-aaral ng Greenpeace at Centre for Research on Energy and Clean Air noong nakaraang taon, mahigit 27,000-katao ang agad na nasasawi taun-taon dahil sa paglanghap ng maruming hangin na nagmumula sa mga coal-fired power plant.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 15,186 total reads

 15,186 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 73,896 total reads

 73,896 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 159,263 total reads

 159,263 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 205,999 total reads

 205,999 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 253,870 total reads

 253,870 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 354,215 total reads

 354,215 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 170,570 total reads

 170,570 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top