DOH, nagbabala sa paggamit ng Ivermectin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 563 total reads

Patuloy ang babala ng Department of Health hinggil sa paggamit ng anti-parasitic drug na Ivermectin bilang panlaban sa coronavirus disease.

Kaugnay ito sa mga ulat na natanggap ng ahensya hinggil sa mga “invalid prescription” ng nasabing gamot na ipinamahagi nina Anakalusugan Party-list Representative Mike Defensor at Rodante Marcoleta noong Abril 29, 2021 sa Quezon City.

Ayon sa DOH, ito ay kanilang isasangguni sa Professional Regulation Commission (PRC) upang masuri ang katotohanan at bigyan ng karampatang parusa kung kinakailangan batay sa umiiral na mga batas.

“Those who received the prescriptions and the drugs [may] report any invalid prescriptions to the PRC, and any adverse reactions to the FDA at (02) 8809-5596 or [email protected],” ayon sa DOH.

[smartslider3 slider=21]

Sa isinagawang “community pan-three” project nina Defensor at Marcoleta, ang mga miyembro ng Concerned Doctors and Citizens PH ay nagsulat ng mga reseta sa blangkong papel sa halip na sa mga aprubadong prescription pads.

Tinukoy ni Health Secretary Francisco Duque III na ang reseta ay dapat naglalaman ng pangalan ng doktor, tirahan, professional registration number, tax receipt number, maging ang pangalan ng pasyente, edad, kasarian at petsa kung kailan ito inireseta.

Samantala, hinimok naman ng DOH at Food and Drug Administration ang publiko na maging maingat at mapanuri sa mga resetang ibinibigay sa kanila, sapagkat ito’y maaaring magbigay ng proteksyon at matiyak ang pananagutan mula sa mga propesyonal na nagbigay nito.

Nauna nang nagbabala si Jesuit Priest Fr. Marlito Ocon, head chaplain ng Philippine General Hospital hinggil sa paggamit ng Ivermectin dahil ito’y hindi pa aprubado ng FDA at patuloy na sinusuri ang totoong bisa nito sa katawan ng tao lalo na sa mga nahawaan ng COVID-19.

“Huwag na lang tayong gumamit kung hindi binibigay ng doktor. Kung mayroon mang binibigay ang doktor sa ngayon, hindi pa iyan aprubado ng ating FDA na pwedeng gamitin sa tao dahil ayon sa kanila ay ginagamit yan sa mga hayop,” pahayag ni Fr. Ocon sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa pahayag at pagsusuri ng Merck, ang pharmaceutical company na lumikha ng Ivermectin, na wala itong siyentipikong batayan upang sabihing mabisa ang nasabing gamot bilang lunas sa nakakahawang sakit.

Magsisimula ngayong Mayo o sa Hunyo ang clinical trial sa anti-parasitic drug sa kahilingang makapangalap ng karagdagang datos hinggil sa mga epekto nito sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 15,811 total reads

 15,811 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 74,910 total reads

 74,910 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 160,277 total reads

 160,277 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 207,013 total reads

 207,013 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 254,884 total reads

 254,884 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 355,184 total reads

 355,184 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 170,605 total reads

 170,605 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top