Seryosong usapin ang West Philippine Sea

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 427 total reads

Mga Kapanalig, kamakailan ay mariing itinanggi ni Pangulong Duterte ang pangako niya noong kampanya na ipaglalaban niya ang West Philippine Sea. Hindi niya raw ito ipinangako sapagkat ito raw ay “very serious matter.” Inaakala kaya niyang nalimutan na natin ang kanyang mga pangako noong 2016?

Noong Enero 2016, ilang buwan bago ang eleksyon, sinabi niyang kung mananalo siya, kakausapin niya ang China upang sabihing ang inookupa nitong mga isla ay nakapaloob sa ating exclusive economic zone. Isang buwan matapos ang pahayag na ito, binalaan niya ang China na tigilan ang pag-angkin sa ating karagatan. At ang pinakatumatak sa mga tao ay ang pahayag niya na kapag nanalo tayo sa kaso laban sa China at hindi pa rin nito iniwan ang ating karagatan ay sasakay siya ng jetski patungong Scarborough Shoal upang dalhin doon ang ating watawat.

Ngayon, limang taon matapos ang ating makasaysayang panalo sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands, sinabi ng pangulo na walang halaga ang ating panalo. Isa lamang daw iyong papel at “usapang bugoy” na nararapat itapon sa basurahan. Marami daw naitutulong sa atin ang China kaya’t hindi tayo dapat maging bastos sa kanila. Dapat pa nga raw tayong magpasalamat sa mga ibinigay nilang mga bakuna laban sa COVID-19 at malalaking utang na pampagawa ng mga imprastraktura.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Hindi ito ang unang pagkakataong binaligtad ng pangulo ang kanyang mga pahayag noong halalan. Matapos niyang mahalal ay makailang ulit rin niyang sinabing hindi natin kakayanin kung tayo ay makikipaggiyera sa China, na tila ba iyon lamang ang tanging paraan upang ipagtanggol ang nararapat na sa atin. Ngunit gaya nga ng sinabi ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio, tila “grand estafa” ang lokohin ang 16 na milyong Pilipino noong mangako si Pangulong Duterte na ipaglalaban niya ang West Philippine Sea gayong hindi naman pala niya ito gagawin.

Ngunit higit sa tingin ng dating mahistrado ay ang tingin ng nakararaming Pilipino. Sa survey ng Social Weather Stations (o SWS) noong 2019, 9 sa bawat 10 Pilipino ang nagsabing hindi tamang hayaan ang pagtatayo ng China ng mga imprastraktura sa ating karagatan. Noong 2020, 7 sa bawat 10 Pilipino ay naniniwalang dapat ipaglaban ng ating pamahalaan ang ating karapatan sa West Philippine Sea. At para sa 4 sa bawat 5 Pilipino, nararapat tayong makipag-alyansa sa iba pang mga bansa sa rehiyon upang ipagtanggol ang ating karagatan. Hindi ba’t ito ang istratehiyang matagal nang sinasabi ng mga eksperto ngunit tila ayaw gawin ng ating pangulo?

Kung ang turo ng ating Santa Iglesia ang pagbabatayan, sa halip na tumiklop sa China ay kinakailangang makipag-ugnayan ng ating bansa sa iba pang bansa upang manaig ang kabutihang panlahat o common good. Ito ang tila hindi nakikita ng ating pangulo. Sabi nga ni Saint Pope John XXIII sa Pacem in Terris, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa isa’t isa at pakikipagnegosasyon, inaasahang magkakaroon ang mga bansa ng pagkilalang pag-ibig, hindi takot, ang nagbibigkis sa ating lahat. Ito ang nararapat na mamamayani sa pakikipag-ugnayan ng mga tao at mga bansa sa isa’t isa. Ito rin ang tinutungtungan ng payo ng mga eksperto sa pangulo at maging ng pulso ng nakararaming Pilipino.

Mga Kapanalig, sabi nga sa Mga Kawikaan 11:14, “Sa kakulangan ng tuntunin, ang bansa ay bumabagsak, ngunit sa payo ng nakararami, tagumpay ay tiyak.” Dahil tunay ngang seryosong usapin ang West Philippine Sea, sana ay hindi lamang ang sarili niya ang sundin ng pangulo. Pakinggan din niya sana ang payo ng mga eksperto at ang pulso ng bayan upang tunay na interes ng mamamayan ang manaig.

Sumainyo ang katotohanan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 17,599 total reads

 17,599 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 17,726 total reads

 17,726 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 32,093 total reads

 32,093 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 88,499 total reads

 88,499 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 212,000 total reads

 212,000 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 295,824 total reads

 295,824 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bunga ng araw-araw na karahasan

 32,094 total reads

 32,094 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 88,500 total reads

 88,500 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 212,001 total reads

 212,001 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »
Scroll to Top