Filipinong Pari na itinalagang vice director ng JPIC office, umalis na patungong Roma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 578 total reads

Umalis na patungong Roma ang Filipinong Pari na itinalaga bilang Vice Director ng Order of Friars Minor o Franciscans Justice, Peace, and Integrity of Creation (JPIC) Office na si Rev. Fr. Angelito Cortez, OFM.

Sa isinagawang Mission Sending Mass para kay Fr. Cortez ay nagpahayag ng pasasalamat ang Pari para sa lahat ng mga suporta at panalangin sa kanyang bagong tungkuling dapat na gampanan sa Roma.

Ayon kay Fr. Cortez, mahirap man ang umalis sa gitna ng patuloy na krisis na dulot ng pandemya ay hindi naman nito mahahadlangan ang kanyang pagtugon sa panibagong misyong iniatas ng Panginoon.

Pababahagi ng Pari, bagamat hindi madali ay simple lamang ang naituro sa kanya ng Panginoon na pagiging bukas ng puso at sarili sa bawat isa upang maging daluyan ng pagmamahal at biyaya para sa lahat ng mga nangangailangan.

 

[smartslider3 slider=21]

 

“Sa lahat po ng mga nagmamahal, sumusuporta, tumutulong hindi po madaling umalis sa gitna ng krisis na ito, marami po ng bagay ang inatas ng Diyos sa akin sa nagdaang mag-aapat na taon o tatlong taon, hindi po madaling maging daluyan ng tulong para sa lahat ng nangangailangan pero simple lamang po ang tinuro sa akin ng Panginoon na ang taong bukas at taong marunong magbigay, ang taong handang tumanggap sa grasya ng Panginoon ay patuloy niyang pagpapalain kahit gaano pa kahirap ang panahon.”mensahe ni Rev. Fr. Cortez

Naniniwala rin si Fr. Cortez na ang kanyang pag-alis ay maituturing din na isang tanda ng pagmamahal at pagtitiwala ng Diyos na tumawag at pumili sa kanya upang gampanan ang panibagong tungkulin bilang tapat na lingkod ng Simbahan.

Tiniyak naman ng Pari ang pagsusumikap na magampanan ang kanyang bagong tungkuling hindi lamang para sa kongregasyon kundi para sa buong Simbahang Katolika.

Ayon kay Fr. Cortez, buo ang kayang tiwala sa paggabay ng Panginoon upang mapagtagumpayan ang mga hamon na hatid ng kanyang bagong posisyon.

“Ang akin pong pag-alis tanda ng pagmamahal ng Diyos saan man tayo tawagin, nakakatakot man, hindi man natin alam ang hinaharap pero hinding hindi tayo pababayaan ng Diyos.” Dagdag pa ni Fr. Cortez.

Samantala, nagpaabot rin ng suporta at panalangin si Rev. Fr. Cielito R. Almazan, OFM, Minister Provincial ng OFM Franciscan Province of San Pedro Bautista sa Pilipinas para sa panibagong misyon at tungkuling dapat na gampanan ni Fr. Cortez sa Roma.

Ayon kay Fr. Almazan, tiwala siya sa kakayahan at kapasidad ni Fr. Cortez upang magampanan ang mas malaking misyon para sa buong kongregasyon.

Paliwanag pa ni Fr. Almazan ang pagsisilbing misyunero ni Fr. Cortez sa Roma ay maituturing din ng isang pagsasabuhay sa tema ng Year of Missio Ad Gentes sa paggunita ng ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas na “Gifted to Give”.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 17,669 total reads

 17,669 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 17,796 total reads

 17,796 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 32,188 total reads

 32,188 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 88,594 total reads

 88,594 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 212,095 total reads

 212,095 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 295,915 total reads

 295,915 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top