Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Seryosong usapin ang West Philippine Sea

SHARE THE TRUTH

 149 total views

Mga Kapanalig, kamakailan ay mariing itinanggi ni Pangulong Duterte ang pangako niya noong kampanya na ipaglalaban niya ang West Philippine Sea. Hindi niya raw ito ipinangako sapagkat ito raw ay “very serious matter.” Inaakala kaya niyang nalimutan na natin ang kanyang mga pangako noong 2016?

Noong Enero 2016, ilang buwan bago ang eleksyon, sinabi niyang kung mananalo siya, kakausapin niya ang China upang sabihing ang inookupa nitong mga isla ay nakapaloob sa ating exclusive economic zone. Isang buwan matapos ang pahayag na ito, binalaan niya ang China na tigilan ang pag-angkin sa ating karagatan. At ang pinakatumatak sa mga tao ay ang pahayag niya na kapag nanalo tayo sa kaso laban sa China at hindi pa rin nito iniwan ang ating karagatan ay sasakay siya ng jetski patungong Scarborough Shoal upang dalhin doon ang ating watawat.

Ngayon, limang taon matapos ang ating makasaysayang panalo sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands, sinabi ng pangulo na walang halaga ang ating panalo. Isa lamang daw iyong papel at “usapang bugoy” na nararapat itapon sa basurahan. Marami daw naitutulong sa atin ang China kaya’t hindi tayo dapat maging bastos sa kanila. Dapat pa nga raw tayong magpasalamat sa mga ibinigay nilang mga bakuna laban sa COVID-19 at malalaking utang na pampagawa ng mga imprastraktura.

 

PSD Toktok

 

Hindi ito ang unang pagkakataong binaligtad ng pangulo ang kanyang mga pahayag noong halalan. Matapos niyang mahalal ay makailang ulit rin niyang sinabing hindi natin kakayanin kung tayo ay makikipaggiyera sa China, na tila ba iyon lamang ang tanging paraan upang ipagtanggol ang nararapat na sa atin. Ngunit gaya nga ng sinabi ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio, tila “grand estafa” ang lokohin ang 16 na milyong Pilipino noong mangako si Pangulong Duterte na ipaglalaban niya ang West Philippine Sea gayong hindi naman pala niya ito gagawin.

Ngunit higit sa tingin ng dating mahistrado ay ang tingin ng nakararaming Pilipino. Sa survey ng Social Weather Stations (o SWS) noong 2019, 9 sa bawat 10 Pilipino ang nagsabing hindi tamang hayaan ang pagtatayo ng China ng mga imprastraktura sa ating karagatan. Noong 2020, 7 sa bawat 10 Pilipino ay naniniwalang dapat ipaglaban ng ating pamahalaan ang ating karapatan sa West Philippine Sea. At para sa 4 sa bawat 5 Pilipino, nararapat tayong makipag-alyansa sa iba pang mga bansa sa rehiyon upang ipagtanggol ang ating karagatan. Hindi ba’t ito ang istratehiyang matagal nang sinasabi ng mga eksperto ngunit tila ayaw gawin ng ating pangulo?

Kung ang turo ng ating Santa Iglesia ang pagbabatayan, sa halip na tumiklop sa China ay kinakailangang makipag-ugnayan ng ating bansa sa iba pang bansa upang manaig ang kabutihang panlahat o common good. Ito ang tila hindi nakikita ng ating pangulo. Sabi nga ni Saint Pope John XXIII sa Pacem in Terris, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa isa’t isa at pakikipagnegosasyon, inaasahang magkakaroon ang mga bansa ng pagkilalang pag-ibig, hindi takot, ang nagbibigkis sa ating lahat. Ito ang nararapat na mamamayani sa pakikipag-ugnayan ng mga tao at mga bansa sa isa’t isa. Ito rin ang tinutungtungan ng payo ng mga eksperto sa pangulo at maging ng pulso ng nakararaming Pilipino.

Mga Kapanalig, sabi nga sa Mga Kawikaan 11:14, “Sa kakulangan ng tuntunin, ang bansa ay bumabagsak, ngunit sa payo ng nakararami, tagumpay ay tiyak.” Dahil tunay ngang seryosong usapin ang West Philippine Sea, sana ay hindi lamang ang sarili niya ang sundin ng pangulo. Pakinggan din niya sana ang payo ng mga eksperto at ang pulso ng bayan upang tunay na interes ng mamamayan ang manaig.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 9,161 total views

 9,161 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 15,134 total views

 15,134 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 20,889 total views

 20,889 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 28,152 total views

 28,152 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 36,136 total views

 36,136 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 9,162 total views

 9,162 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 15,135 total views

 15,135 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 20,890 total views

 20,890 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 28,153 total views

 28,153 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 36,137 total views

 36,137 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,708 total views

 35,708 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,712 total views

 47,712 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,754 total views

 55,754 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,311 total views

 47,311 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,736 total views

 45,736 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,522 total views

 47,522 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,447 total views

 44,447 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,761 total views

 58,761 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,451 total views

 62,451 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 61,054 total views

 61,054 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top