Panigan ang kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 556 total reads

Mga Kapanalig, sa gitna ng laban ng buong mundo laban sa COVID-19, pumutok muli ang hidwaan sa pagitan ng Israel at Palestine noong ikalawang linggo ng Mayo. Umabot sa halos 200 katao ang namatay sa Gaza Strip, kabilang na ang 55 batang Palestino at dalawang batang Israeli. Matapos ang 11 araw ng karahasan, nagkaroon ng ceasefire sa pagitan ng dalawang grupo alang-alang sa buhay ng mga sibilyan sa dalawang magkatunggaling bayan.

Paano nga ba nagsimula ang hidwaang ito?

Isandaang taon na ang nakakalipas, matapos ang unang digmaang pandaigdig o World War I, mauugat ang hidwaan sa pagitan ng mga Hudyo at mga Palestino (na karamihan ay Arab). Ninais noon ng United Kingdom o Britanya na ibigay ang lupaing bahagi ng kanilang kolonya na tinitirhan ng mga Palestino sa mga Hudyo upang magkaroon sila ng sariling lupain. Kung susumahin, ang hidwaan sa pagitan ng Israel at Palestine ay mula sa kagustuhan ng mga Hudyo na magkaroon ng tahanang matatawag nilang kanila at sa pagtatanggol naman ng mga Palestino sa lupaing itinuring na nilang tahanan.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Sa paglikas ng mga Hudyo sa Europa sa kalupitan ng Holocaust noong ikawalang digmaang pandaigdig o World War II, lalong tumindi ang paghahanap ng tahanan ng mga Hudyo kasabay ng lumalalim na hidwaan sa pagitan nila at ng mga Palestino. Taóng 1947 nang nagdesisyon ang United Nations na hatiin ang noo’y Palestine sa dalawang bansa: isa para sa mga Hudyo (ngayon ay Israel) at ang isa ay ang Palestine. Samantala, ang Jerusalem ay itinuring na “international city” na hindi bahagi ng alinman sa dalawang bansa. Hindi nagtagumpay ang planong ito, at sa halip ay nauwi sa digmaan sa pagitan ng dalawang bayan. Nagkaroon din ng armadong grupo na kung tawagin ay Hamas sa hanay ng mga Palestino, at ngayon ngang Mayo ay nagsimulang maglaban ang mga militar ng Israel at ang armadong grupo.

Sa gitna ng marahas na alitan sa pagitan ng dalawang grupo ay nagpahayag si Pope Francis ng pagkabahala. Umapela siyang tigilan na ang karahasan at sa halip ay tahakin ang daan tungo sa kapayapaan. Sabi pa ng Santo Papa, terible at hindi katanggap-tanggap na naiipit at nasasawi ang mga batang walang kamuwang-muwang. Ang tanong niya: Saan tayo dadalhin ng galit at paghihiganti? Maitatatag ba ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagwasak sa isa’t isa?

Marami sa mga wala sa Israel at Palestine, katulad nating mga nasa Pilipinas, ang hindi alam kung kanino papanig o kung anong marapat na gagawin upang may maimbag sa pagtigil sa karahasan doon. Marapat nating tandaan: hindi lamang sila mga dayuhang nasa Israel o Palestine, sila ay ating kapwa, mga kapatid. At iyan ang binibigyang-diin sa atin ng Santo Papa sa kaniyang encyclical na Fratelli Tutti: lahat tayo ay magkakapatid. Noong 2017, sinabi na ng Santo Papa na ang pagkikipagdayalogo bilang bahagi ng peace process ay mahalagang hakbang tungo sa kapayapaan. Sa Fratelli Tutti, sinabi rin niyang sa pakikipagdayalogo at mahinahong pag-uusap, kinakailangang kilalanin natin ang ating sariling identidad at maging bukás tayo sa sa isa’t isang may pinanggalingan, pagkamamamayan, at kulturang pinagmulan. Katulad ng mga Israeli at mga Palestino na may kani-kanilang identidad, ang pagkilala sa isa’t isa ay mahalaga upang makapag-usap at maging tunay ang dayalogo.

Mga Kapanalig, wala tayong dapat panigan sa mga naghahasik ng karahasan. Ang kapayapaan ang dapat nating panigan. Sa hidwaang ito sa pagitan ng Israel at Palestine, nawa’y mangibabaw sa kanila ang pakikipagkapwa. Sabi nga sa Roma 14:19, “Kaya’t lagi nating pagsikapang gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan at makakapagpalakas sa isa’t isa.” Ipagdasal natin ang pamamayani ng kapayapaan sa bahaging iyon ng mundo.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 94,931 total reads

 94,931 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 172,045 total reads

 172,045 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 205,493 total reads

 205,493 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 240,793 total reads

 240,793 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 463,639 total reads

 463,639 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 94,932 total reads

 94,932 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 172,046 total reads

 172,046 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 205,494 total reads

 205,494 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 240,794 total reads

 240,794 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top