Patuloy na tumalima sa safety health protocol, panawagan ng CBCP sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 611 total views

Patuloy na sundin ang mga ipinatutupad na safety health protocol ng mga eksperto bilang patuloy na proteksyon laban sa COVID-19.

Ayon kay Military Diocese Bishop Oscar Jaime Florencio – Vice Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care, bagamat mayroon ng mga bakuna ay dapat pa ring patuloy na maging maingat ang bawat isa lalo na’t wala pa ring natutuklasang lunas sa nakahahawa at nakamamatay na sakit.

Paliwanag ng Obispo, makatutulong ang patuloy na pagsunod sa mga ipinatutupad na panuntunan sa pagsusuot ng facemask, face shield, physical distancing at regular na paghuhugas ng kamay bilang pag-iingat na mahawa o makahawa ng virus.

Ipinaliwanag din Bishop Florencio ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mamamayan upang maprotektahan ang bawat isa.

“What we need to do talaga ay we need to have the prudence sa mga ginagawa natin at saka sa maintaining of the protocols kasi for the meantime yun lang po siguro ang makapagbibigay sa atin ng lunas [proteksyon laban sa COVID-19] for the meantime, hindi naman natin iniisip na walang katapusan ito, mayroong katapusan but in the meantime na hindi natin alam kung kailan darating na katapusan, we need to maintain itong tinatawag ng mga expert na protocol itong mga face shield, face mask, distancing, and washing continue washing of hands.”pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, nanindigan ang mga eksperto na mahalaga ang mga ipinatutupad na safety health protocol sa publiko kabilang na ang palagiang pagsusuout ng face shield at face mask bilang proteksyon laban sa COVID-19.

Bukod sa pagsunod sa mga ipinatutupad na mga safety health protocol eksperto, ay suportado rin ng Simbahang Katolika ang anti-COVID-19 vaccine roll-out ng pamahalaan.

Batay sa pinakahuling tala ng Department of Health, nasa 6-milyon na ang nabakunahan sa buong bansa kung saan kinakailangang mabakunahan ang nasa 70-milyong mga Filipino upang makamit ang herd immunity laban sa COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 98,423 total views

 98,423 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 128,646 total views

 128,646 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 155,295 total views

 155,295 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 250,268 total views

 250,268 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 264,871 total views

 264,871 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top