SAC director ng Archdiocese of Cotabato, nahirang na DSAC representative sa Caritas Philippines BOD

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,049 total reads

Nagpapasalamat si Cotabato Social Action Director Rev. Fr. Clifford Baira sa tiwala na ibinigay sa kanya ng mga Pari at mga Director ng iba’t-ibang Social Action Center sa mga Diyosesis sa Pilipinas bilang kanilang kinatawan sa Caritas Philippines.

Ayon kay Fr. Baira, isang biyaya mula sa Panginoon ang kanyang karagdagang tungkulin bilang naglilingkod sa Simbahan at sa mga mananampalataya.

“Pinapasalamatan ko yun trust and confidence ng mga regional representative ng Suffragan Dioceses dahil ako yun napili nila na mag represent ng Social Action sa Caritas [Philippines] board. Isa sa mga tinitignan ay magiging channel ako sa mga possible programs o possible na gawain na it can be from the Diocesan level going up sa NASSA [Caritas Philippines] level or it can be also vice versa from top level going down. Last week nag start na yun role ko dahil nagkaroon na ng board meeting I was already introduced to the members of the board ng Caritas Philippines and then doon na gumulong ang start ng aking function.” Pahayag ni Fr. Baira.

Sa kanyang unang pakikipagpulong sa pamunuan ng Caritas Philippines ay agad na naatasan si Fr. Baira upang suriin ang naging pinsala ng bagyong Dante.

“Ang unang inutos sa akin ni Bishop Colin [Bagaforo] alamin ang extend ng damage ng bagyong Dante and to encourage the DSAC na apektado to facilitate especially yun pag-gawa ng Sitrep [Situationer Report] para ma-bigyan ng atensyon ng NASSA level yun immediate needs ng mga nasa grounds.” Ani Fr. Baira.

Samantala, nagsimula na din si Fr. Baira na makipag-ugnayan sa Philippine National Police upang magkaroon ng pagtutulungan ang Pulisya at ang Simbahan sa pagresolba sa mga isyu tulad ng extra judicial killings at red tagging.

“Nagkaroon kami ng meeting together with the hierarchy and leadership of National Police [Gen] Eleazar nagbigay ako ng instruction sa mga DSAC Director at mga staff nila na just in case na meron mga usual na pangyayari sa grounds like red tagging o EJK saka mga violation of human rights eh agad ma-isanguni sa akin sa level ko dahil meron na tayo direct link ngayonat ang CBCP Caritas.”Pahayag ng kasalukuyan ding Director ng Social Action Center ng Archdiocese of Cotabato.

Magugunitang si Fr. Baira ay naging aktibo din sa pagtulong sa mga naapektuhan ng armed conflict at iba’t-ibang issue lalo na sa Mindanao.

Pinalitan ni Fr. Baira bilang kinatawan ng mga SAC Director sa pamunuan ng Caritas Philippines si Rev. Fr. Rex Paul Arjona na naging Social Action Director ng Diocese of Legazpi sa Albay.

Ang Caritas Philippines ay nagsisilbi bilang national social arm ng Simbahang Katolika sa Pilipinas at kumakatawan sa 84 na Diyosesis sa Caritas Internationalis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 59,224 total reads

 59,224 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 155,438 total reads

 155,438 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 199,706 total reads

 199,706 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 222,815 total reads

 222,815 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 295,344 total reads

 295,344 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 110,249 total reads

 110,249 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top