Archdiocese of Lipa, naglabas ng guidelines sa pagtanggap ng Taal evacuees

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 971 total reads

Naglabas ng panuntunan ang Archdiocese of Lipa para sa mga parokya na muling tumanggap ng mga evacuees matapos itaas sa alert level 3 ang bulkang taal.

Batay sa gabay na inilabas ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission o LASAC, hinikayat nito ang mga parokya na maglaan ng silid para mga pamilyang posibleng mapalikas.

Pinaalalahan ang mga parokya sa pagpapatupad ng mga health guidelines at protocols kasabay ng pagtanggap sa mga evacuees.

Sinasabing dapat ay may 20 metro kwadrado na pagitan ang bawat pamilya na may 3 hanggang 5 miyembro habang inatasan din ang mga Simbahan na maglaan ng maayos na palikuran at sanitation booth.

Kaugnay nito, pinayuhan din ng Arkidiyosesis na maghanda ang mga Parokya ng sapat na food and non food items at nakahandang tumugon ang tanggapan ng LASAC sakaling magkaroon ng kakulangan nito.

Samantala, nakatutok at naka antabay ngayon ang Simbahan sa mga posibilidad na maaring maging epekto ng pag-aalburoto ng bulkang Taal.

Una nang binuksan para sa mga evacuees ang parokya ng Our Lady of Miraculous Medal sa Agoncillo, Batangas. Batay sa datos nasa 14,000 residente na ang apektado ng paglikas mula ng itaas ng PHILVOCS ang alert level 3 sa bulkan.

Magugunitang Enero ng taong 2020 nang huling pumutok ang bulkang taal kung saan tinatayang nasa mahigit 235,655 na pamilya ang naapektuhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 74,037 total reads

 74,037 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 152,508 total reads

 152,508 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 185,956 total reads

 185,956 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 221,253 total reads

 221,253 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 444,782 total reads

 444,782 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,920 total reads

 111,920 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top