Paglikas ng mga residente sa Batangas, nagpapatuloy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 575 total views

Posibleng umabot mahigit 17-libo ang mga magsisilikas na residente ng Batangas dulot ng patuloy na pagliligalig ng Bulkang Taal.

Ayon kay Renbrandt Tangonan, Communications and Advocacy Officer ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC), naghahanda na ang simbahan para sa pangangailangan ng mga apektadong residente.

Mamahagi ang LASAC ng 1,655 N95 face masks sa bayan ng Laurel at Agoncillo, Batangas dahil na rin sa panganib sa kalusugan na dulot ng asupreng ibinubuga ng bulkan.

Nanawagan naman ang social arm ng Arkidiyosesis ng Lipa ng tulong para sa mga apektadong residente.

Maliban sa mga cash or in-kind donations kinakailangan din ang karagdagang suplay ng mga N95 face mask.

“Patuloy tayong nananawagan ng tulong para sa kanila, sapagkat sa darating pang mga araw, inaasahang papalo sa higit 17,985 ang estimated number of internally displaced persons o mga evacuees. Ito ay kumakatawan sa 4,296 na mga pamilya at 3,283 na sambahayan,” ayon kay Tangonan sa Radio Veritas.

Katuwang ng LASAC ang lokal na pamahalaan ng Batangas upang tugunan ang mga kinakailangan ng mga residenteng nauna nang nagsilikas na umaabot sa 1,824 indibidwal o 478 pamilya.

Batay naman sa huling ulat ng PHIVOLCS, nakataas pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal, kung saan nakapagtala ito ng 3 mahihinang phreatomagmatic explosion at 48 volcanic earthquakes.

Patuloy rin ang pagbuga ng sulfur dioxide mula sa bulkan na aabot sa 10,254-toneladang usok ang nilalabas kada araw na nakakaapekto hindi lamang sa Batangas kundi hanggang sa Metro Manila, at karatig na mga lalawigan.

Mahigpit na ipinapaalala ng PHIVOLCS ang pagsusuot ng N95 facemasks upang maiwasang makalanghap ng asupre, at ang pagbabawal sa pagpasok sa Permanent Danger Zone, at mga high-risk barangays kabilang na sa Agoncillo at Laurel, Batangas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 69,856 total views

 69,856 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 113,464 total views

 113,464 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 196,297 total views

 196,297 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 208,144 total views

 208,144 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top