Makasama sa paglalakbay ang mga katutubo, magsasaka at mangingisda ay “will of God”-Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 533 total views

Hindi dapat na matakot ang sinuman sa anumang hatid na pagbabago ng pagsunod sa ninanais ng Panginoon.

Ito ang ibinahagi ni Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop-elect Broderick Pabillo sa mga pagbabagong hatid ng ng pandemya at sa kanyang bagong misyon na haharapin bilang bagong punong pastol ng Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan.

Ayon sa Obispo, dapat na magtiwala lamang ang bawat isa sa kaloob at plano ng Panginoon.

“Madalas ang pumipigil sa atin na gawin ang gustong ipagawa ng Diyos ay ayaw natin iiwan ang ating comfort zone. Hindi tayo nagtitiwala na pangangalagaan naman tayo ng nagpadala sa atin.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Broderick Pabillo.

Inihayag ng Obispo na sa kabila ng kanyang mga pangamba sa pagharap sa panibagong misyon at tungkulin sa Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan ay buo naman ang kanyang tiwala sa kaloob at misyon ng panginoon.

“Ako personally, magbabago ang buhay ko pagpunta ko sa Taytay ng northern Palawan. Iiwan ko na ang buhay ng lunsod dito sa kamaynilaan, with all its perks and its comfort. Babalik ako sa buhay sa kanayunan kasama ang mga mangingisda, mga magsasaka at mga katutubo. Upang maabot ang mga Parokya at mga chapels kailangan ng matagtag na biyahe sa mga rough roads, kailangang sumakay sa maliliit na bangka, o kailangan pa ngang maglakad sa mga bundok. I am a bit apprehensive but what gives me peace is my dependence on the God who sends me. Hindi ko gaano alam ang dadatnan ko, pero sigurado akong hindi naman niya ako pababayaan. This peace gives me readiness to take on the mission.”pahayag ni Bishop Pabillo

Giit ng Obispo, bago pa man nilikha ang daigdig ay pinili na ng Panginoon ang bawat isa upang gampanan ang pambihirang misyon na palaganapin ang kanyang pag-ibig sa sanlibutan.

Ayon kay Bishop Pabillo kabanalan ang layunin ng buhay na ipinagkaloob ng Panginoon sa lahat na makakamtan lamang sa pamamagitan ng ganap na pagtanggap sa kanyang ipinagkaloob ng tulong espiritwal sa bawat isa.

“Tayo ay pinili na ng Diyos bago pa nilikha ang mundo. Nasa isip na tayo ng Diyos. Each of us is willed by God. We do not come to this world by chance. God placed us in this world with a purpose, that is, to be holy and be blameless before him in love. Kabanalan ang layunin ng buhay natin. At binigyan niya tayo ng lahat ng spiritual na tulong upang ito ay makamtan.” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Una ng ibinahagi ng Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan na nakatakda na sa ika-19 ng Agosto, 2021 alas nuwebe ng umaga sa St. Joseph the Worker Cathedral sa Taytay Palawan ang pagtatalaga kay Bishop Broderick Pabillo bilang bagong punong pastol ng bikaryato.

Inaasahan namang sa ikalawang linggo ng Agosto ay tutungo na si Bishop Pabillo sa Palawan upang paghandaan at makipagkita sa mga pari ng bikaryato bago ang kanyang nakatakdang installation bilang bagong punong pastol ng Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 42,972 total views

 42,972 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 167,383 total views

 167,383 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 209,856 total views

 209,856 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 288,175 total views

 288,175 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Community pantry, pinalawak ng CMSP

 2,083 total views

 2,083 total views Patuloy ang pagsusumikap ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) para sa programa nitong “CMSP CARES,” na isang community pantry na

Read More »
Scroll to Top