Interfaith prayer service sa mga nasawi at naiwang pamilya ng PAF C-130 plane crash, pinangunahan ng Archdiocese of Cagayan de Oro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 694 total reads

Pinangunahan ng Archdiocese of Cagayan de Oro ang pag-aalay ng Interfaith Prayer Service para sa mga biktima at kapamilya ng naganap na trahedya ng pagbagsak ng C-130 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) sa Patikul, Sulu noong ika-4 ng Hulyo, 2021.

Ayon kay Cagayan de Oro Archbishop Jose Cabantan, ang isinagawang Interfaith Prayer Service ay bilang pakikiisa at pakikidalamhati hindi lamang ng Simbahang Katolika kundi maging ng iba’t ibang denominasyon sa mga biktima at naiwang mahal sa buhay ng mga nasawi sa trahedya.

“Our inter-faith prayer is our way of being in solidarity with them [victims and their families] lifting up our prayers, all our sorrows together with them, our grief due to the sudden loss of their loved-ones.” pahayag ni Archbishop Cabantan.

Bukod sa pananalangin para sa ikapapayapa ng kaluluwa ng 53-nasawi sa trahedya ay ipinanalangin rin sa naganap na Interfaith Prayer Service ang katatagan ng mga naiwang mahal sa buhay ng mga nasawi at mabilis na paggaling ng mga nakaligtas.

Ipinaabot rin ni Archbishop Cabantan ang pagpupugay sa lahat ng mga lulan ng bumagsak na military plane na karamihan ay patungo sana sa kanilang unang misyon bilang kawani ng pwersa ng pamahalaan sa Sulu.

“Our Interfaith Prayer Service is our way of expressing our deepest sympathy to the families of our fallen heroes and our prayers also for the eternal repose of those who died and our prayers for those who are still recovering in the hospitals not only physically but also psychologically and emotionally from the trauma that they have experienced.” Dagdag pa ni Archbishop Jose Cabantan.

Naganap ang Interfaith Prayer Service – Prayer’s for our fallen heroes A Tribute to C-130 Plane Crash Victims sa St. Augustine Metropolitan Cathedral sa Cagayan De Oro City na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t bang relihiyon at denominasyon kabilang na ang Iglesia Filipina Independiente, United Church of Christ in the Philippines, Muslims, Evangelicals at maging kinatawan ng mga Lumads.

Isinagawa ang Interfaith Prayer Service dahil sa pagkakaroon ng magkakaibang relihiyon at pananampalataya ng mga lulan at mga nasawi sa bumagsak na C-130 Hercules cargo plane.

Matapos ang Interfaith Prayer Service ay nag-alay rin ng Banal na Misa ang Archdiocese of Cagayan de Oro para sa lahat ng mga kapamilya at biktima ng naganap na trahedya na pinangunahan ni Archbishop Cabantan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,463 total reads

 13,463 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 14,592 total reads

 14,592 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 29,758 total reads

 29,758 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 67,135 total reads

 67,135 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 98,405 total reads

 98,405 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 173,753 total reads

 173,753 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 266,539 total reads

 266,539 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,886 total reads

 25,886 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top