Tunay na Kapangyarihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 669 total reads

Kapanalig, kuntento na lamang ba tayo na nanood sa ating mga pinuno habang sila ay walang kahiya-hiyang pumupustura, nagsesermon, nagpho-photo ops, nanlalait, nagmumura, naninira, at nagpe-flex sa mga entablado ng ating mundo ng pulitika? Aba, kung okay lang sa atin yan, maghanda na tayo. Malapit na ang panahon na ganyan na ang kanilang gagawin halos araw-araw. Mag e-eleksyon na, kapanalig, sa susunod na taon.

Ito ngang nakaraang mga araw, ang tatapang na ng ilang mga pulitiko. Nagkaka-gulo sa kanilang mga partido at sila mismo ang nagbabangayan. Mula lokal hanggang nasyonal na mga pulitiko, unti unti na ulit umiingay – pumuposisyon siguro ang iba, naniniguro na kasama sa tiket at mas maraming kaalyado.

Kapanalig, kahit ano pa man ang ingay ng ating mga pulitiko, kahit gaano pa man kataas ang posisyong kanilang naabot, huwag sana nating kalimutan na nasa ating mga kamay ang tunay na kapangyarihan. Minsan, mahirap makita ang katotohanang ito, lalo na kung sasabuyan ng takot ang lipunan, at kalaunan, ang siyang nagsaboy ng takot ay siya ring magpiprisinta bilang bayaning sasagip sa atin. Nakita na siguro natin iyan, hindi ba, sa resulta ng mga nakaarang eleksyon? Asan na ang mga nagprisintang bayani noon? Natupad ba nila ang kanilang mga pangako?

Kapanalig, base sa datos ng COMELEC, umabot ng mahigit kumulang na 61.84  million ang botante sa ating bansa noong 2019. Sa bilang na ito, mahigit 46.9 million ang lumabas para bumoto sa buong bansa. Mahigit 14 million ang hindi nakaboto, na maari sanang nakapagbago ng resulta ng huling eleksyon.

May ilang mga rason kung bakit hindi bumoboto ang maraming Filipino. Sabi ng iba, hindi rin naman nagbabago ang buhay ng mga Filipino kahit bumoto, mahirap pa rin naman tayo. Kapanalig, siguro dama naman natin na mas mahirap na tayo ngayon. At lulusot pa tayo sa butas ng karayom para lamang makawala sa kahirapang ito. Sa tingin mo ba, kung mas marami ang bumoto ng wasto, maghihirap tayo ng gaya ngayon? Hindi man lang natin naisip na sa ating hindi pagboto o dahil sa maling pagboto, mas maari palang lumala pa ang sitwasyon ng bayan.

Huwag sana nating hayaang malugmok ang bansa, natin, kapanalig. Ang ating mga pinuno, mula barangay hanggang nasyonal na lebel, ay nakuha ang kanilang pwesto dahil sa ating boto. At kung palpak ang ating nahalal nitong nakaraang eleksyon, may pagkakataon ulit tayo na mamili ng iba; hindi natin kailangan makuntento sa substandard na serbisyo. We deserve good leaders, kapanalig, kaya we should choose good leaders. Sabi nga sa Gaudium et Spes, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan: All citizens ought to be aware of their right and duty to promote the common good by casting their votes.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 27,146 total reads

 27,146 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 63,480 total reads

 63,480 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 289,750 total reads

 289,750 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 183,217 total reads

 183,217 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 275,828 total reads

 275,828 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bagong mukha ng Boracay

 27,147 total reads

 27,147 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 63,481 total reads

 63,481 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 289,751 total reads

 289,751 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 183,218 total reads

 183,218 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »
Scroll to Top