Mga church congregation sa Pilipinas, dumaranas ng financial difficulties

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 619 total reads

Aminado ang ilang kongregasyon sa Pilipinas na patuloy na naapektuhan ng pandemya ang kanilang kakayanan na tumulong sa mga mahihirap sa bansa.

Ito ang ihinayag ni Rev. Fr. Orven Gonzaga CP, ang Direktor ng Philanthropic Development Office ng Congregation of the Passion of Jesus Christ o Passionist Father sa Pilipinas sa suliranin na kinakaharap ng mga organisasyon ng Simbahan na nagsasagawa ng mga pagtulong partikular na sa mga nasa malalayong lugar.

Ayon kay Fr. Gonzaga, maging ang kanilang mga Parokya ay apektado ang pinansyal na kapasidad dahil sa pangdaigdigang epekto ng pandemya sa mga fund raising activity ng Simbahan maging sa mismong mga taga suporta nito.

Gayunpaman, sinabi ni Fr. Gonzaga na hindi nila magagawang talikuran ang mga mahihirap at nangangailangan.

“hindi namin kaya na ipikit na lang ang aming mga mata sa mga nangyayari hanggat meron kaming mgagagawa sa simbahan para maabot ang mga kapatid natin ay gagawin po namin” pahayag ni Fr. Gonzaga sa panayam ng programang Caritas in Action.

Ikinagalak ni Fr. Gonzaga na sa kabila ng pandemya ay nakapagsagawa sila ng iba pang programa gaya ng paggawa ng virgin coconut oil at mga facemask na siyang nakakatulong sa mga naapektuhan ang hanapbuhay.

“Dahil sa marami ang nawawalan ng trabaho meron kamign ginagawa na virgin coconut oil as a livelihood program para sa mga nanay na hindi makapag-trabaho ang asawa nila meron kaming mga niyog ginamit namin yun para mag-produce ng virgin coconut oil para sa konting paraan ay makatulong kami sa kanilang kalagayan. Gumawa din tayo ng mga facemask nagbigay tayo ng konting tulong sa paggawa ng facemask galing sa donasyon na ipinadala natin pinambili natin ng tela at binigyan po natin sila ng tulong sa kanilang paggawa.” Dagdag pa ng Pari.

Nagpapasalamat si Fr. Gonzaga sa mga tumutulong sa kanila upang makagawa ng mga pamamaraan upang patuloy na makatulong sa kapwa.

Umaasa siya na patuloy na magtutulungan ang iba’t-ibang organisasyon ng Simbahan upang makapagsagawa ng mga philanthropic activities at mas marami pa ang maabot ng mga tulong kahit na mayroon pandemya.

Batay sa datos na ibinahagi ng ni Fr. Gonzaga, umaabot sa 2,000 pamilya ang kanilang tinutulungan partikular na sa mga malalayong lugar sa rehiyon ng Mindanao

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 1,982 total reads

 1,982 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 7,769 total reads

 7,769 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 45,517 total reads

 45,517 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 271,787 total reads

 271,787 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 165,253 total reads

 165,253 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 258,908 total reads

 258,908 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 110,844 total reads

 110,844 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top