Chapel at kumbento ng PGH, binaha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 981 total reads

Nababahala ang Philippine General Hospital Chaplaincy sa pagtaas ng baha sa bahagi ng ospital bunsod ng patuloy na epekto ng masamang panahon.

Ayon kay Jesuit priest Fr. Marlito Ocon, Head Chaplain ng PGH, umabot sa lampas-tuhod ang baha sa bahagi ng PGH malapit sa Taft Avenue, kaya ang ilang mga pasyente ay tiniis nang lumusong sa baha para lamang makapasok sa ospital, habang ang iba naman ay hindi na makapasok.

Dagdag pa ng pari na apektado na rin ang loob ng chapel at kumbento dahil sa patuloy na pag-uulan at pagbaha.

“Below the knee sa loob ng PGH. Pero umabot na ‘yung baha sa loob ng chapel at convent namin,” bahagi ng pahayag ni Fr. Ocon sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, bagamat apektado ng pagbaha, patuloy naman ang UP-PGH Chaplaincy sa kanilang pamamahagi ng tulong at suporta sa mga pasyente at ilan pang nasa loob ng ospital.

“Namigay kami ng pagkain sa ER patients and watchers at patuloy lang sa pamimigay ng alcohol at facemasks sa mga pasyente sa loob ng charity wards. Dahil most of them, di sila makalabas para bumili o wala ring pambili,” saad ni Fr. Ocon.

Batay naman sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), patuloy na nakakaapekto sa malaking bahagi ng Luzon ang bagyong Fabian na namataan sa hilagang bahagi ng bansa sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Habang nagdudulot din ng sama ng panahon sa bansa ang Tropical Depression Cempaka na nasa labas ng PAR at pinalalakas ng hanging Habagat o Southwest Monsoon.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 2,025 total reads

 2,025 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 7,848 total reads

 7,848 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 45,586 total reads

 45,586 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 271,856 total reads

 271,856 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 165,322 total reads

 165,322 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 258,973 total reads

 258,973 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 150,521 total reads

 150,521 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top