Mga church congregation sa Pilipinas, dumaranas ng financial difficulties

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 573 total reads

Aminado ang ilang kongregasyon sa Pilipinas na patuloy na naapektuhan ng pandemya ang kanilang kakayanan na tumulong sa mga mahihirap sa bansa.

Ito ang ihinayag ni Rev. Fr. Orven Gonzaga CP, ang Direktor ng Philanthropic Development Office ng Congregation of the Passion of Jesus Christ o Passionist Father sa Pilipinas sa suliranin na kinakaharap ng mga organisasyon ng Simbahan na nagsasagawa ng mga pagtulong partikular na sa mga nasa malalayong lugar.

Ayon kay Fr. Gonzaga, maging ang kanilang mga Parokya ay apektado ang pinansyal na kapasidad dahil sa pangdaigdigang epekto ng pandemya sa mga fund raising activity ng Simbahan maging sa mismong mga taga suporta nito.

Gayunpaman, sinabi ni Fr. Gonzaga na hindi nila magagawang talikuran ang mga mahihirap at nangangailangan.

“hindi namin kaya na ipikit na lang ang aming mga mata sa mga nangyayari hanggat meron kaming mgagagawa sa simbahan para maabot ang mga kapatid natin ay gagawin po namin” pahayag ni Fr. Gonzaga sa panayam ng programang Caritas in Action.

Ikinagalak ni Fr. Gonzaga na sa kabila ng pandemya ay nakapagsagawa sila ng iba pang programa gaya ng paggawa ng virgin coconut oil at mga facemask na siyang nakakatulong sa mga naapektuhan ang hanapbuhay.

“Dahil sa marami ang nawawalan ng trabaho meron kamign ginagawa na virgin coconut oil as a livelihood program para sa mga nanay na hindi makapag-trabaho ang asawa nila meron kaming mga niyog ginamit namin yun para mag-produce ng virgin coconut oil para sa konting paraan ay makatulong kami sa kanilang kalagayan. Gumawa din tayo ng mga facemask nagbigay tayo ng konting tulong sa paggawa ng facemask galing sa donasyon na ipinadala natin pinambili natin ng tela at binigyan po natin sila ng tulong sa kanilang paggawa.” Dagdag pa ng Pari.

Nagpapasalamat si Fr. Gonzaga sa mga tumutulong sa kanila upang makagawa ng mga pamamaraan upang patuloy na makatulong sa kapwa.

Umaasa siya na patuloy na magtutulungan ang iba’t-ibang organisasyon ng Simbahan upang makapagsagawa ng mga philanthropic activities at mas marami pa ang maabot ng mga tulong kahit na mayroon pandemya.

Batay sa datos na ibinahagi ng ni Fr. Gonzaga, umaabot sa 2,000 pamilya ang kanilang tinutulungan partikular na sa mga malalayong lugar sa rehiyon ng Mindanao

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,897 total reads

 13,897 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 14,985 total reads

 14,985 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 30,408 total reads

 30,408 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 67,785 total reads

 67,785 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 99,055 total reads

 99,055 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 174,366 total reads

 174,366 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 267,121 total reads

 267,121 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 100,299 total reads

 100,299 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top