Tulong sa mga apektado ng kalamidad sa Bataan, nakahanda na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 796 total reads

Naghahanda ang Parokya ng San Pedro Martir ng Verona sa Hermosa, lalawigan ng Bataan sa posibilidad ng pagsasasagawa ng relief operation dahil sa mga pagbaha na dulot ng Habagat at Bagyong Fabian.

Ayon kay Rev. Fr. Tony Quintos, kura paroko ng nasabing Parokya, tatlong barangay ngayon sa Hermosa ang lubog sa baha na kinabibilangan ng Almazen, Daungan at Brgy. Pulo.

Unang naghanda ng mga relief goods ang kanilang Parokya bilang bahagi din ng kanilang mga ginagawang community pantry.

Dito sa aming Parokya nagbabalot na kami ng Bigas na acutally pero ilang piraso lang ito tapos balak naming mag repack pa kasama ang mga delata para kung sakali nakahanda tayo tumugon sa mga kababayan natin dito” pahayag ni Fr. Quintos sa panayam ng Radyo Veritas.

Umaasa si Fr. Quintos sa kakayanan ng Lokal na Pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga kababayan habang tiniyak nito ang pakikipagtulungan ng Simbahan sa Diocese ng Balanga.

Aminado ang Pari na posibleng mas tumaas pa ang baha sa mga susunod na araw lalo na’t magpa-hanggang sa ngayon ay bumubuhos pa ang ulan maging sa mga karatig lalawigan.

‘Yung Almazen normally hanggang bewang yan [baha] pero patuloy din hindi tumitigil ang ulan nitong mga nakaraang araw marami nang buhos ng ulan kapag tumigil nag-subside agad, ngayon ay nananatili yun ulan kaya baka saturated na ang lupa natin sa tubig ulan.” Pahayag pa ng Economus ng Diyosesis ng Balanga.

Samantala, sa kasalukuyan aniya ay passable pa mang mgapangunahing lansagan patungo at palabas ng Balanga Bataan bagamat ilang mga Bayan pa ang may naitatala na din na pagbaha.

Kaugnay nito, kumikilos na din ang Social Action Center sa Archdiocese of San Fernando sa lalawigan ng Pampanga dahil sa patuloy na pagtaas ng baha sa mga bayan ng Macabebe at Masantol.

Ayon kay Rowena Binuya ng Social Action Center of Pampanga o SACOP, nakikipag-ugnayan na sila sa mga Parokya upang alamin ang kanilang mga pangangailangan.

“Marami na pong baha dito sa Pampanga, lalo na sa bandang Macabebe at Masantol. Pati yung mga Parokya sa coastal areas sa Sasmuan. Nagtatawag na kami sa mga Parokya.”

Magugunitang bagamat nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Fabian ay patuloy itong nagpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon Region dahil sa paghatak nito sa Habagat.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 19,205 total reads

 19,205 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 19,851 total reads

 19,851 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 37,808 total reads

 37,808 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 75,186 total reads

 75,186 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 106,454 total reads

 106,454 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 181,325 total reads

 181,325 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 273,671 total reads

 273,671 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 100,355 total reads

 100,355 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top