Bishop Mercado, nanawagan ng pagbabayanihan sa panahon ng kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,023 total reads

Maging instrumento ng pagtulong ng Diyos para sa mga nangangailangan at naghihikahos ngayong panahon ng pandemya at mga kalamidad.

Ito ang panawagan Diocese of Parañaque Bishop Jesse Mercado sa bawat isa sa gitna ng pagharap ng mamamayan sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic na higit pang pinalala ng sama ng panahon na dulot ng Habagat at Bagyong Fabian gayundin ang naganap na 6.6 magnitude na lindol sa Calatagan, Batangas.

Ayon kay Bishop Mercado na siya ring bagong halal na chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Family and Life, higit na kinakailangan ang pagbabayanihan ng bawat isa tulad na lamang ng mga community pantry upang matulungan ang mga nangangailangan.

Paliwanag ng Obispo, hindi kinakailangan ng malaking halaga sa pagbibigay ng ayuda sapagkat gaano man kaliit ang makakayanang itulong ay ang Diyos na ang bahalang magpuno nito.

“Nananawagan po ako sa ating mga kapwa Kapanalig, maaari ba kayong maging instrumento ng pagtulong ng Diyos sa mga naghihikahos sa panahong ito ng baha, lindol at pandemya? Katulad ng bayanihan na nakita natin sa community pantry, tumulong tayo ayon sa ating kakayanan gaano man kaliit ang Diyos na ang pupuno.” pahayag ni Bishop Mercado sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ng Obispo, sa kabila ng mga pangamba na dulot ng mga kalamidad at pandemya ay hindi pa rin dapat na mawala ang pananalig sa Diyos ng bawat isa sa halip ay dapat na ihabilin ang mga pangangailangan at mga hinaing sa mapagkalingang Diyos.

“‘The hand of the Lord feeds us, He answers all our needs’ Totoo po He answers all our needs kaya manalig tayo sa kanya, ihabilin natin ang ating mga pangangailangan sa ating mapagkalingang Diyos.” Dagdag pa ni Bishop Mercado.

Samantala nagpaabot rin ng panalangin si Bishop Mercado upang ipag-adya ng Panginoon ang bawat isa mula sa anumang kapahamakan na dulot ng kalamidad at pandemya.

Panginoon,
kayo ang bukal ng grasya at buhay, kayo ang aming sanggalang.
Bigyan niyo po kami ng lakas at pananalig sa mga panahong ito, iligtas niyo po an gaming mga kababayan na naapektuhan ng baha at lindol, at tulungan niyo po kaming maging bukas palad sa kanila.

Ito’y hinihiling namin sa ngalan ni Hesukristong aming Panginoon.
Amen.

O Maria, Ina ng Laging Saklolo, Ipanalanin mo kami.
San Jose, Ipanalangin mo kami

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 1,762 total reads

 1,762 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 40,139 total reads

 40,139 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 266,410 total reads

 266,410 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 159,875 total reads

 159,875 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 253,805 total reads

 253,805 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top