Tulong sa mga apektado ng kalamidad sa Bataan, nakahanda na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 954 total reads

Naghahanda ang Parokya ng San Pedro Martir ng Verona sa Hermosa, lalawigan ng Bataan sa posibilidad ng pagsasasagawa ng relief operation dahil sa mga pagbaha na dulot ng Habagat at Bagyong Fabian.

Ayon kay Rev. Fr. Tony Quintos, kura paroko ng nasabing Parokya, tatlong barangay ngayon sa Hermosa ang lubog sa baha na kinabibilangan ng Almazen, Daungan at Brgy. Pulo.

Unang naghanda ng mga relief goods ang kanilang Parokya bilang bahagi din ng kanilang mga ginagawang community pantry.

“Dito sa aming Parokya nagbabalot na kami ng Bigas na acutally pero ilang piraso lang ito tapos balak naming mag repack pa kasama ang mga delata para kung sakali nakahanda tayo tumugon sa mga kababayan natin dito” pahayag ni Fr. Quintos sa panayam ng Radyo Veritas.

Umaasa si Fr. Quintos sa kakayanan ng Lokal na Pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga kababayan habang tiniyak nito ang pakikipagtulungan ng Simbahan sa Diocese ng Balanga.

Aminado ang Pari na posibleng mas tumaas pa ang baha sa mga susunod na araw lalo na’t magpa-hanggang sa ngayon ay bumubuhos pa ang ulan maging sa mga karatig lalawigan.

“‘Yung Almazen normally hanggang bewang yan [baha] pero patuloy din hindi tumitigil ang ulan nitong mga nakaraang araw marami nang buhos ng ulan kapag tumigil nag-subside agad, ngayon ay nananatili yun ulan kaya baka saturated na ang lupa natin sa tubig ulan.” Pahayag pa ng Economus ng Diyosesis ng Balanga.

Samantala, sa kasalukuyan aniya ay passable pa mang mgapangunahing lansagan patungo at palabas ng Balanga Bataan bagamat ilang mga Bayan pa ang may naitatala na din na pagbaha.

Kaugnay nito, kumikilos na din ang Social Action Center sa Archdiocese of San Fernando sa lalawigan ng Pampanga dahil sa patuloy na pagtaas ng baha sa mga bayan ng Macabebe at Masantol.

Ayon kay Rowena Binuya ng Social Action Center of Pampanga o SACOP, nakikipag-ugnayan na sila sa mga Parokya upang alamin ang kanilang mga pangangailangan.

“Marami na pong baha dito sa Pampanga, lalo na sa bandang Macabebe at Masantol. Pati yung mga Parokya sa coastal areas sa Sasmuan. Nagtatawag na kami sa mga Parokya.”

Magugunitang bagamat nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Fabian ay patuloy itong nagpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon Region dahil sa paghatak nito sa Habagat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 3,065 total reads

 3,065 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 41,314 total reads

 41,314 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 267,585 total reads

 267,585 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 161,050 total reads

 161,050 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 254,910 total reads

 254,910 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 110,817 total reads

 110,817 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top