Archdiocese of Manila, ipinagpaliban ang lahat ng pampublikong Misa hanggang matapos ang ECQ

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 850 total reads

Ipinagpapaliban ng lahat ng mga parokya sa Metro Manila ang pagdaraos ng pampublikong Misa hanggang sa August 20.

Ito ay kaugnay na rin sa ipinatutupad na mahigpit na panuntunan ng community quarantine sa National Capital Region.

Simula kahapon hanggang August 5, umiiral ang general community quarantine with heightened restrictions sa NCR at anim na pang mga lalawigan.

Sa August 6 hanggang 20, ipinag-utos ng Inter-Agency Task Force ang pinakamahigpit na quarantine status, ang Enhance Community Quarantine (ECQ).

“Starting tomorrow, July 31, virtual Masses only until August 20, except for funeral and wake Masses with limited people. Baptisms and weddings should also be rescheduled,” ayon kay Fr. Reginald Malicdem, Chancellor ng Archdiocese of Manila.

Bagama’t pinapayagan ang Misa at pagbabasbas para sa mga patay, limitado lamang ang papayagang makadalo.

Sa ilalim ng ECQ, limitado ang papayagan makalabas ng tahanan kabilang na ang pagbili sa mga pangunahing pangangailangan at serbisyo.

Bukod sa Archdiocese of Manila, naglabas na rin ng mga pabatid kaugnay sa pagbabawal ng pagdiriwang ng pampublikong misa ang mga Diyosesis ng Cubao, Novaliches, Pasig, at Paranaque.

Ang mga mananampalataya ay hinikayat na pansamantalang makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya sa pamamagitan ng live streaming sa social media tulad ng Facebook at YouTube.

Apat na online Masses naman ang mapapakinggan sa Radio Veritas 846 at mapapanood sa official Radio Veritas Facebook page na Veritas846.ph tuwing alas-6 ng umaga, alas-12 ng tanghali, alas-6 ng gabi at alas 12-ng hatinggabi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 112,697 total reads

 112,697 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 250,577 total reads

 250,577 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 366,353 total reads

 366,353 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 482,277 total reads

 482,277 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top