Kalinga sa Sektor ng Kalusugan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 696 total views

Kapanalig, ang pandemya ay patuloy na sumusubok sa kakayahan ng ating sektor pang-kalusugan. Sa pagkahaba-haba ng health crisis na ito, ilang beses na halos sumuko ang maraming hospital sa ating bayan.

Ang pandemya ay nagpapalala ng mga suliranin na matagal ng nararanasan ng sektor. Ayon sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS), medyo napapag-iwanan na tayo ng ating mga karatig bansa sa ASEAN pagdating sa critical health outcomes and access indicators.”

Kailangang harapin din ang mga hamon na matagal ng naka-ambang sa health sector, gaya ng mga puwang o gaps sa health financing, health service delivery, governance, at health human resources.

Nakita sa pagsusuri na limitado ang bilang ng mga hospital beds—kailangan pa ng mga 400,000 hospital beds upang makamit ang kailangan na 2.7 beds kada isang libong tao. Hirap din maka-access ang karamihan sa mga health facilities. Kalahati lamang ng mga Filipino ang nakakayanang maka-access ng primary health care sa loob ng 30 minuto, na tinakdang standard time ng gobyerno. Kailangan din maitaas pa ang health spending ng bayan, na napapag-iwanan na rin ng mga karatig bansa natin sa ASEAN.

At ngayong panahon ng pandemya, mas lalo nating nakita ang kahalagahan ng human resources sa sector. 90%  ng mga rural health units o primary healthcare natin ay may isang doktor, pero marami pa rin ang walang nurse o kumadrona. Isa rin siguro ito sa mga dahilan kung bakit mababa ang ating score sa WHO preparedness for public health emergencies. 53% lamang ang score natin dito, na isa sa mababa sa ASEAN.

Matinding na suporta ang kailangan ng ating health sector, kapanalig. Ang kabayanihan at dedikasyon ng mga manggagawa nito ay kailangan nating mabigyan ng karampatang suhay – kung baga sa bangka, kailangan nila ng katig upang diretsong makapagserbisyo.

Kailangan din ng kalinga ng sektor na nagtitiyak ng kalusugan ng bayan. Karampatang suweldo para sa mga manggagawa, karampatang bilang ng manpower at pasilidad, at mas mataas na investments o pamumuhunan sa sektor ang kailangan ngayon. Ang mga manggagawa sa sektor ay ating mga frontliners: taga-sangga sa pangunahing banta sa ating mga mamamayan ngayon. Upang lalo natin silang mapalakas, iprayoridad natin ang kanilang pangangailangan. Ayon nga mismo kay Pope Francis sa kanyang pahayag mula sa Vatican noong June 20, 2020: ang mga doktor, nurses, at healthworkers  ay “a visible sign of humanity that warms the heart.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 123,287 total views

 123,287 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 153,509 total views

 153,509 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 180,157 total views

 180,157 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 275,130 total views

 275,130 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 288,193 total views

 288,193 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 123,288 total views

 123,288 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 153,510 total views

 153,510 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 180,158 total views

 180,158 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 275,131 total views

 275,131 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »
Scroll to Top