Maximum health protocols, mahigpit na ipapatupad ng Diocese of Tarlac

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 630 total views

Ipapatupad sa Diocese ng Tarlac ang 30-percent seating capacity sa pagsasagawa ng mga religious activities matapos i-anunsyo ng pamahalaang panlalawigan ng Tarlac na isasailalim sa General Community Quarantine ang lalawigan.

Ayon kay Tarlac Bishop Enrique Macaraeg, mahigpit na ipatutupad sa buong Diyosesis ang pagsunod sa minimum health protocols batay na rin sa panuntunan ng lokal na pamahalaan para sa kaligtasan ng mga mananampalataya.

“Magre-reduce sa 30 percent capacity ang simbahan pero tuloy pa rin ang mga misa namin… Syempre ‘yung protocols, strictly to be observe pa rin. ‘Yung [physical at social] distancing, handwashing, [face]masks and faceshield ay i-implement ‘yun sa mga simbahan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Macaraeg sa panayam ng Radio Veritas.

Inihayag ni Bishop Macaraeg na kasabay ng pagbabawas sa kapasidad ng mga maaaring dumalo sa mga banal na pagdiriwang ay dadagdagan rin ng Diyosesis ang pagsasagawa ng mga online Masses.

Mula sa Modified GCQ, ipinag-utos ng Provincial Inter-Agency Task Force na isailalim sa GCQ ang buong lalawigan ng Tarlac bilang pag-iingat na maiwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 maging ang banta ng mapaminsalang Delta variant.

Magsisimula ito mamayang hatinggabi ng Agosto 12 hanggang 31, 2021, mahigpit na ipapatupad ang pagbabantay sa mga Border Control Points ng lalawigan upang masuring mabuti ang mga manlalakbay na papasok sa Tarlac mula sa mga karatig na lalawigang nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine at ECQ.

Batay sa huling tala ng Tarlac Province COVID-19 Case Bulletin, umabot na sa 9,591 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa lalawigan, kung saan nasa 651 ang kasalukuyang aktibong kaso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 58,058 total views

 58,058 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 91,140 total views

 91,140 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 119,491 total views

 119,491 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 187,223 total views

 187,223 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 206,338 total views

 206,338 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top