Mga Diocese sa Metro Manila at Tanging Yaman Foundation, namahagi ng tone-toneladang gulay at grocery pack

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 650 total reads

Tone-toneladang gulay at mga grocery pack ang ipinamamahagi ng Tanging Yaman Foundation katuwang ang ibat’-ibang mga Diyosesis sa Metro Manila sa gitna ng pinatutupad na Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay Rev. Fr. Manoling Francisco SJ, founder ng Tanging Yaman Foundation, abala sila sa pagsasagawa ng pagtulong sa mga mahihirap na apektado ng ECQ sa pamamagitan ng pamimigay ng mga gulay at pangunahing pangangailangan katuwang ang Ateneo De Manila, Simbahang Lingkod ng Bayan at mga Social Action Center ng mga diyosesis sa NCR at mga karatig lalawigan.

Tinataya aniya na aabot na sa 21 libong pamilya ang nabahagian nila ng tulong sa una at ikalawang bugso ng relief operation habang umiiral ang ECQ.

“Sa kasalukuyan higit 21,000 Pamilya na ang ating natugunan mula sa higit 38 Parokya sa Metro Manila ang nabahaginan nnatin ng 45.5 tons ng gulay at 8,900 grocery packs.” Pahayag ni Fr. Francisco sa Radyo Veritas.

Naniniwala si Fr. Francisco na ngayon ang panahon upang mas lalong kumilos ang Simbahang katolika upang umagapay sa pangangailangan ng mga mahihirap na apektado ng lockdown ang kanilang mga pinagkakakitaan at kabuhayan.

“Bilang Kristiyano ating tungkulin ang tumugon sa pangangailangan ng ating mga kapatid na nangangailangan. Sa konteksto ng ECQ libu-libong kababayan natin ang nagugutom dahil sa kawalan ng hanapbuhay dahil sa pagbagsak ng ekonomiya. Kaya marapat na bilang Simbahan masabayan natin sa paglalakbay ang ating mga kababayang naghihirap at nagugutom. Ito rin ang panawagan ni Pope Francis kaya nawa’y patuloy tayong maging liwanag at gabay sa ating mga kapatid na nangangailangan” pahayag pa ng Pari na isa din kilalang kompositor.

Nagpapasalamat si Fr. Francisco sa mga sumusuporta sa proyekto at programa ng Tanging Yaman Foundation.

Tiniyak din niya ang kaligtasan at pagsunod sa mga health protocol sa kanilang mga ginagawang pagkilos kung saan katuwang nila ang Philippine Navy, Marines,NAVSOCOM, QCPD at GoShare.

Magugunitang bago pa man ang ikatlong ECQ sa Metro Manila ay naging aktibo na ang Tanging Yaman Foundation at ang buong Jesuit Community sa mga pagkilos upang makatulong sa mga mahihirap nating kababayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 3,974 total reads

 3,974 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 42,133 total reads

 42,133 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 268,404 total reads

 268,404 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 161,869 total reads

 161,869 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 255,685 total reads

 255,685 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 110,826 total reads

 110,825 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top