Diocese of Imus, nakikiisa sa paggunita ng Season of Creation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 806 total reads

Makikiisa ang Diyosesis ng Imus sa paggunita sa Season of Creation 2021 na may temang “A Home For All: Renewing the Oikos of God” na magsisimula sa unang araw ng Setyembre hanggang Oktubre 10.

Ito ang pakikiisa ng diyosesis hinggil sa panawagan ng Dicastery for Integral Human Development at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines upang ipagdiwang ang panahon ng paglikha bilang pagpapahalaga sa ating nag-iisang tahanang handog ng Diyos para sa sangkatauhan.

Sa inilabas na pahayag ng Diocese of Imus – Ministry on Ecology, hinihikayat nito ang mga pangdiyosesanong dambana, parokya, quasi-parishes, kapilya at mga pastoral centers na sa unang araw ng Setyembre ay sisimulan ang paggunita sa Season of Creation sa pamamagitan ng Banal na Misa.

Sa Oktubre 10 naman ay magsasagawa muli ng Banal na Misa para naman sa pagtatapos ng selebrasyon.

Bilang pag-iingat sa panganib ng coronavirus pandemic, iminungkahi ng ministry na maaaring isagawa ang aktibidad kasabay ng regular na livestreaming ng mga Banal na Misa o maglaan ng natatanging oras sa pagsasagawa nito.

Habang para naman sa mga walang livestreaming, maaari itong gawin sa pamamagitan ng maliit na grupo at pagsasagawa ng simpleng pribadong Misa.

Patuloy namang ipinapaalala na palaging magsuot ng face mask at face shield, maging ang pagsunod sa physical at social distancing upang maiwasan ang hawaan ng virus.

Magugunitang sinabi ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles sa pastoral message nito na nawa ang taunang pagdiriwang sa panahon ng paglikha ay maging daan tungo sa pagpapanibago ng ating mga tungkulin para sa kaligtasan at wastong pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

Sa buong mundo, ipinagdiriwang ang Season of Creation mula unang araw ng Setyembre hanggang Oktubre 04, kasabay ng kapistahan ni San Francisco de Asis, ngunit dito sa Pilipinas ay pinalawig ito hanggang sa ikalawang linggo ng Oktubre upang ipagdiwang ang Indigenous Peoples’ Sunday.

Kasabay naman nito ang ikaanim na taon ng World Day of Prayer for Care of Creation na idineklara ng Kanyang Kabanalan Francisco noong taong 2015, alinsunod sa isinasagawang pag-aalay ng panalangin ng Orthodox Church na nagsimula pa noong taong 1989.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,470 total reads

 13,470 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 14,598 total reads

 14,598 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 29,766 total reads

 29,766 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 67,143 total reads

 67,143 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 98,413 total reads

 98,413 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 173,761 total reads

 173,761 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 266,547 total reads

 266,547 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,177 total reads

 74,177 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top