Obispo, nanawagan ng suporta sa Parish-Forest program ng Diocese of Tagbilaran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,239 total reads

Hinimok ng pinunong pastol ng Diyosesis ng Tagbilaran ang mananampalataya na suportahan ang programang ‘Parish-Forest’ ng diyosesis.

Ayon kay Bishop Alberto Uy layunin ng programa na mapalawak ang mga kagubatan sa lalawigan ng Bohol sa pangunguna ng simbahan.

Naniniwala ang obispo na mahalagang paunlarin ang pagtatanim ng mga punongkahoy upang mapangalagaan ang kalikasan at mapanatili ang maayos na kalidad ng hanging malalanghap ng mamamayan.

“Mga igsuon palihog tabangi ninyo ang programa sa Diocese of Tagbilaran ‘Parish Forest’, matag parokya naay gam-ong lasang; mahimo kining tinuod kong kitang tanan magtinabangay [Mga kapatid suportahan ninyo ang programa ng Diocese of Tagbilaran na ‘Parish-Forest’, bawat parokya magpapaunlad ng kagubatan; maisasakatuparan ito kung lahat tayo ay magtutulungan],” ayon sa mensahe ni Bishop Uy.

Kaugnay nito umapela ang obispo sa mga mamamayan na may mga lupang nakatiwangwang partikular sa mga bulubunduking lugar na makipag-ugnayan sa kanilang mga parokya at makiisa sa nasabing programa.

Ibinahagi ni Bishop Uy na dalawa hanggang tatlong ektarya ang tinitingnang lawak bilang panimula sa ‘Parish-Forest’ program.

Itatanim dito ang mga ‘fruit-bearing trees’ at mga native na punongkahoy tulad ng narra.
Ito ay patuloy na pagsasabuhay sa ensiklikal ng Kanyang Kabanalan Francisco na Laudato Si kung saan hinimok ang bawat isa na pangalagaan ang nag-iisang tahanan upang maiwasan ang tuluyang pagkasira nito.

Aktibo ang obispo katuwang ang mga lingkod ng simbahan, mga kabataan at iba’t ibang organisasyon sa Bohol sa pangangalaga ng kalikasan.
Tiniyak ni Bishop Uy sa mamamayan na kung may matutukoy ng lugar para sa Parish-Forest nakahanda ang mga ahensya ng lokal na pamahalaan ng Bohol sa tulad ng Bohol Environment Management Office sa pagbibigay ng mga punong itatanim.

Sa kasalukuyan may 58 ang mga parokyang nasasakop sa Diyosesis ng Tagbilaran at maging bahagi sa nasabing programa.

Magandang pagkakataon din itong proyekto lalo’t ipinagdiriwang ngayong buwan ng Setyembre hanggang Oktubre ang Season of Creation na may temang ‘A Home for all? Renewing the Oikos of God”.
Umaasa ang obispo na makiisa ang mamamayan sa magandang hangaring palawakin ang pangangalaga sa kalikasan para sa kapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 105,706 total reads

 105,706 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 182,278 total reads

 182,278 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 215,726 total reads

 215,726 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 251,026 total reads

 251,026 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 473,451 total reads

 473,451 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top