Panagutin ang mga dapat panagutin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 589 total reads

Mga Kapanalig, minsang sinabi ni Pangulong Duterte na “maligaya” siya kapag ang mga “kaibigan [niyang] tumutulong” ay “yumaman… nang yumaman.” Binanggit niya ang mga salitang ito noong isang taon sa isang talumpati at ipinagdidiinang galit siya sa mga oligarchs.

Fast-forward tayo sa kasalukuyan kung saan may mga kaibigan si Pangulong Duterte na diumano’y nakinabang sa mga malalaking transaksyon pa pamahalaan. Hindi pa natin alam kung ikaliligaya niya ito.

Sa pagdinig na ginagawa ng Senado sa pagbili ng Department of Health (o DOH) ng overpriced na face masks at face shields, lumutang ang pangalan ng ilang personalidad na sinasabing kaibigan ni Pangulong Duterte. Masyadong mahal ang pagkakabili ng DOH, sa pamamagitan ng Department of Budget and Management-Procurement Service (o DBM-PS), sa mga nasabing medical supplies. Ang face mask na nasa dalawa hanggang apat na piso lamang bawat piraso ay nabili ng DOH sa halagang halos tatlumpung piso. Ang face shield naman na ang suggested retail price ay hindi lalampas ng singkuwenta pesos bawat piraso ay nabili ng DOH sa halagang mahigit doble ng SRP.

Binili ng pamahalaan ang mga face masks at face shields na ito sa Pharmally Pharmaceutical Corporation, isang negosyong nakaugnay sa Pharmally International Holding Company ng China, na ang mga opisyal ay ipinakilala kay Pangulong Duterte ng kanyang dating economic adviser at negosyanteng kaibigan na si Michael Yang. Negosyante sa Davao si Michael Yang, at minsan nang idinawit ang kanyang pangalan sa illegal drug trade. Samantala, ang dating nangangasiwa ng DBM-PS na si former undersecretary Lloyd Christopher Lao ay kasamahan ni Pangulong Duterte sa kanilang fraternity at dating kasamahan sa Davao City noong mayor pa ng lungsod ang presidente. Ipinagtanggol ng pangulo ang mga kaibigan niyang sangkot diumano sa pagbili ng mga overpriced na face masks at face shields. Pero aniya, kung mapatutunayang may ginawa silang mali, dapat daw silang papanagutin.

Masalimuot ang isyung inuungkat ngayon ng Senado hindi lamang dahil sa mga personalidad na nabanggit kundi dahil ang mga kontratang pinasok ng pamahalaan para bilhin ang mga medical supplies na ito ay nagkakahalaga ng 8.68 bilyong piso! Napakalaging halaga, hindi po ba? Kung mapatutunayang may anomalya sa paggamit ng pondong ito ng DOH at may mga nakinabang rito, napakalaking insulto ito sa ating mga nagbabayad ng buwis, lalo na sa mga medical frontliners na pagod na pagod nang humaharap sa laban natin kontra COVID-19.

Tunay na marami na tayong alalahanin sa buhay, ngunit dapat pa rin nating subaybayan ang mga balitang may kinalaman sa paggamit ng kaban ng bayan, katulad nitong kuwestiyonableng transaksyon ng DOH sa sinasabing pinapaborang kompanya. Buwis natin ang pinangangambahan nating nawaldas dahil sa katiwalian. Sabi nga ni Pope Francis sa Laudato Si’, ang mga patakaran ng isang malusog, ganap, at malayang lipunan ay naglalayong sugpuin ang kurapsyon. Sa Pilipinas, marami na tayong mga patakaran at pamamaraan upang labanan ang katiwalian, ngunit marami rin ang nakalulusot dahil hinahayaan silang lumusot. Marami na tayong natunghayang pagdinig at imbestigasyon tungkol sa mga sinasabing katiwalian sa pamahalaan, pero hindi naman talaga natutuldukan. Nawawalan din ng saysay ang pagpapanagot dahil kinukunsinti ng mga nasa poder ang mga gumagawa ng baluktot. Ang mas nakalulungkot pa, para na rin nating natanggap na “normal” na sa ating bayan ang katiwalian.

Mga Kapanalig, huwag nating hayaang mangyari sa atin ang nasasaad sa Habakuk 1:4, “Ang batas ay walang bisa at walang pakinabang, at hindi umiiral ang katarungan.” Una sa lahat, magkaroon sana ng katuturan ang ginagawang pagdinig ng mga senador. Ikalawa, maging tapat sana ang administrasyon sa pangako nitong paiiralin ang malinis na pamamahala, kahit pa masagasaan ang mga kaibigan ng ating mga lider. Panagutin ang mga dapat panagutin.

Sumainyo ang katotohanan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 10,537 total reads

 10,537 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 10,664 total reads

 10,664 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 19,528 total reads

 19,528 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 75,934 total reads

 75,934 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 199,435 total reads

 199,435 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 283,838 total reads

 283,838 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bunga ng araw-araw na karahasan

 19,529 total reads

 19,529 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 75,935 total reads

 75,935 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 199,436 total reads

 199,436 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »
Scroll to Top