Panalangin sa karangalan ng kaarawan ng Mahal na Birheng Maria (at nating lahat!)

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,085 total reads

O Diyos Amang mapagmahal sa amin, 
kay sarap isipin at namnamin pagdiriwang 
ng pagsilang ng Mahal na Birheng Maria
na Ina ni Hesus at Ina din namin.
Sa unang tingin marahil tatanungin
bakit ang kuwento sa ebanghelyo ay pagsilang ng Kristo?
Ngunit sa dakilang karunungan po Ninyo, O Diyos Ama
dito Mo ibinalot kagandahan at kabutihan
hindi lamang ng kapistahan 
kungdi ng katotohanang hatid nito:
Dumating si Hesus na Anak Mo sa pamamagitan 
ng dalawang mabubuting tao ayon sa plano at kalooban Mo: 
si Jose na mula sa angkan ni David 
na lahi ni Abraham
naging esposo ni Maria
na siyang Ina ng tinatawag naming Kristo.
Dahil dito, hinatian Mo kami O Diyos 
ng karangalan katulad ni Maria 
maging tagapaghatid ni Hesus sa mundong gulung-gulo.
Hayaan po ninyo na aming mapagtanto at mapagyaman
turo sa amin ng Iyong lingkod sa San Papa Juan Pablo Ikalawa:
bawat kaarawan ay munting Pasko
dahil sa pagsilang ng bawat tao
si Jesu-Kristo ang naparito!
Huwag nawa naming malimutan karangalang ito
kaya aming hiling sa aming masintahing Ina 
kami ay palaging ipanalangin,
ilapit kay Hesus na ating Panginoon
upang Siya ring maibahagi sa kapwa natin.
Amen.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 8,678 total reads

 8,678 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 8,805 total reads

 8,805 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 16,218 total reads

 16,218 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 72,624 total reads

 72,624 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 196,125 total reads

 196,125 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 280,694 total reads

 280,694 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Love and you shall see

 11,846 total reads

 11,846 total reads Lord My Chef Sunday Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thirtieth Sunday in Ordinary Time, Cycle A, 25 October 2026

Read More »

Connections

 18,267 total reads

 18,267 total reads Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 20 October 2026 Detail of the fingers of Adam and God “connecting” in Michaelangelo’s “Creation”

Read More »

“Guilty, your Honor!”

 18,768 total reads

 18,768 total reads Lord My Chef Sunday Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Twenty-Ninth Sunday in Ordinary Time, Cycle A, 18 October 2026

Read More »
Scroll to Top