Valenzuela Clergy, nag-alay ng awit at panalangin sa kaligtasan ng mamamayan at kaayusan ng mga namumuno sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 580 total views

Tiniyak ng Valenzuela clergy ng Diyosesis ng Malolos ang patuloy na pananalangin para sa kaligtasan ng mamamayan sa pandemya at kaayusan ng mga namumuno ng bayan.

Ito ang pangunahing layunin ng bikaryato ng Valenzuela sa isinagawang mga awit at panalangin sa National Shrine of Our Lady of Fatima nitong September 8 sa pagdiriwang ng kaarawan ng Mahal na Birhen.

Ayon kay Fr. Howard John Tarrayo, parochial vicar ng pambansang dambana, buong pusong lumuhod sa panalangin at pag-alay ng awitin ang mga pastol ng simbahan para sa intensyon ng buong daigdig.

“Ang panalangin at pag awit sa Mahal na Birhen ay para sa intension ng buong mundo at pang hingi ng tulong sa Diyos upang magkaroon na ng wakas ang salot na pandemyang ito; sa pagdarasal nagkakaisa ang lahat, iisang diwa at iisang pananampalataya upang tayo ay sabay sabay na maka ahon sa hirap na ito,” pahayag ni Fr. Tarrayo sa Radio Veritas.

Ang gawain ay pagbibigay pugay din sa Mahal na Birhen bilang huwaran ng kababaang loob at paghahayag ng paggalang sa Ina ng manunubos.

Dalangin din ng mga pari ang kaliwanagan ng kaisipan ng mga namumuno sa bayan upang higit na maipatupad ang mga polisiya at programang kapaki-pakinabang sa mamamayan at makatutulong upang lutasin ang kasalukuyang suliranin bunsod ng pandemya.

“Kaalinsabay din dito ang pag-aalay ng panalangin para sa mga namumuno ng lipunan upang magkaroon ng linaw at paninidigan sa mga alituntunin at gawain upang magkaroon ng maayos na sistema sa paglaban sa sakit na ito,” ani Fr. Tarrayo.

Humigit kumulang sampung mga pari ang nagtipon sa National Shrine ng Fatima na naghandog ng mga panalangin at awitin para sa Mahal na Ina.
Ang bikarya ng Valenzuela ay binubuo ng 12 mga parokya at bahagi ng Diyosesis ng Malolos.

Umaasa ang pari na sa pamamagitan ni Maria ay maihatid ang bawat isa sa liwanag at landas ng kabanalan tungo sa kanyang na Anak na si Hesukristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 61,156 total views

 61,156 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 57,025 total views

 57,025 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 93,227 total views

 93,227 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 101,443 total views

 101,443 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 125,676 total views

 125,676 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top