Super typhoon Kiko, pinaghahandaan ng Archdiocese of Tuguegarao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 568 total views

Naghahanda na ang Arkidiyosesis ng Tuguegarao, Cagayan sa posibleng pananalasa ng bagyong Kiko na inaasahang magiging super typhoon sa mga susunod na araw.

Ayon kay Fr. Andy Semana, social action director ng Arkidiyosesis, ngayon ay maayos pa ang lagay ng panahon sa Cagayan, ngunit magsasagawa na sila ng mga paghahanda bilang pag-iingat sa magiging epekto ng bagyo.

“I [will] seek audience with the Archbishop and together with the team to discuss… ‘yung mga gagawin… I will suggest naman ‘yung mga paghahanda na dapat kailangang gawin,” pahayag ni Fr. Semana sa panayam ng Radio Veritas.

Idinadalangin naman ni Fr. Semana na nawa’y hindi na magdulot nang matinding epekto ang bagyo, lalo’t higit na huwag nang maulit ang naganap na malawakang pagbaha sa lalawigan na lubos na nakaapekto sa pamumuhay ng mga residente.

Matatandaang noong Nobyembre 2020 ay nalubog sa malawakang pagbaha ang buong lalawigan ng Cagayan sanhi ng pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam bunsod ng pagtaas ng tubig dahil sa patuloy na pag-uulang dala ng Bagyong Ulysses.

Batay sa tala ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs, umabot sa mahigit 3.67-milyong residente ang naapektuhan ng pagbaha, kung saan 277-libong katao rito ang nawalan ng tahanan at nasa higit 70 naman ang mga nasawi.

Samantala, ayon naman sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng Bagyong Kiko sa layong 670 kilometrong silangan ng Baler, Aurora.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging nasa 195 kilometro kada oras malapit sa sentro, pagbugso na aabot sa 240 km/h at kasalukuyang binabaybay ang direksyong pa-kanluran sa bilis na 20 km/h.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 61,398 total views

 61,398 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 57,267 total views

 57,267 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 93,469 total views

 93,469 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 101,678 total views

 101,678 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 125,885 total views

 125,885 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top