Kaligtasan ng taga-North-Eastern Luzon sa banta ng bagyong Kiko, ipinapanalangin ni Bishop Ulep

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 549 total reads

Hinihiling ni Prelature of Batanes Bishop Danilo Ulep ang lubos na kaligtasan ng Batanes at iba pang bahagi ng Northeastern Luzon sa banta ng Bagyong Kiko.

Idinadalangin ni Bishop Ulep na ipag-adya ng Panginoon sa panganib ang mga maaapektuhang lugar at iligtas ang lahat sa posibleng idulot na pinsala ng sakuna sa buhay ng mga tao.

“In the face of a possible strong typhoon that is about to hit Batanes and the rest of Northeastern Luzon, we beg you Lord and implore you to cover us with your paternal embrace and protection, and shield us from the possible destructive effects of this calamity. Full of trust and confidence in you, we entreat you to protect our people from any danger or harm that this typhoon may bring,” panalangin ni Bishop Ulep mula sa mensahe sa Radio Veritas.

Sa ngayon ayon kay Bishop Ulep, hindi pa ramdam ang epekto ng Bagyong Kiko sa Batanes, ngunit nakahanda na ang prelatura sa posibleng pagbabago ng panahon anumang oras.

Batay sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), patuloy ang paglakas ng Bagyong Kiko habang kumikilos sa direksyong pa-kanluran sa bahagi ng Philippine Sea.

Taglay nito ang lakas ng hangin sa 195 kilometro kada oras malapit sa sentro ng bagyo, pagbugso na aabot sa 240 km/h at pagkilos sa bilis na 20 km/h, kung saan inaasahang magiging super typhoon ito sa mga susunod na araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 4,974 total reads

 4,974 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 29,359 total reads

 29,359 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 65,860 total reads

 65,860 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 286,482 total reads

 286,482 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 320,855 total reads

 320,855 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 97,268 total reads

 97,268 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top