Panalangin sa karangalan ng kaarawan ng Mahal na Birheng Maria (at nating lahat!)

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 850 total views

O Diyos Amang mapagmahal sa amin, 
kay sarap isipin at namnamin pagdiriwang 
ng pagsilang ng Mahal na Birheng Maria
na Ina ni Hesus at Ina din namin.
Sa unang tingin marahil tatanungin
bakit ang kuwento sa ebanghelyo ay pagsilang ng Kristo?
Ngunit sa dakilang karunungan po Ninyo, O Diyos Ama
dito Mo ibinalot kagandahan at kabutihan
hindi lamang ng kapistahan 
kungdi ng katotohanang hatid nito:
Dumating si Hesus na Anak Mo sa pamamagitan 
ng dalawang mabubuting tao ayon sa plano at kalooban Mo: 
si Jose na mula sa angkan ni David 
na lahi ni Abraham
naging esposo ni Maria
na siyang Ina ng tinatawag naming Kristo.
Dahil dito, hinatian Mo kami O Diyos 
ng karangalan katulad ni Maria 
maging tagapaghatid ni Hesus sa mundong gulung-gulo.
Hayaan po ninyo na aming mapagtanto at mapagyaman
turo sa amin ng Iyong lingkod sa San Papa Juan Pablo Ikalawa:
bawat kaarawan ay munting Pasko
dahil sa pagsilang ng bawat tao
si Jesu-Kristo ang naparito!
Huwag nawa naming malimutan karangalang ito
kaya aming hiling sa aming masintahing Ina 
kami ay palaging ipanalangin,
ilapit kay Hesus na ating Panginoon
upang Siya ring maibahagi sa kapwa natin.
Amen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 59,081 total views

 59,081 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 54,950 total views

 54,950 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 91,152 total views

 91,152 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 99,446 total views

 99,446 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 123,869 total views

 123,869 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Life is a mystery

 8,817 total views

 8,817 total views Lord My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Solemnity of the Holy Trinity-A, 31 May 2026 Exodus34:4-6,

Read More »
Scroll to Top