Pamamahalang manhid at walang pagpapahalaga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 424 total reads

Mga Kapanalig, upang tawagin ang pansin ng pamahalaan sa kanilang nararanasang pagod at kakulangan sa natatanggap na benepisyo at proteksyon sa kanilang pagtatrabaho, ilang beses nang nagsagawa ng mapayapang protesta ang ilang health workers nating naglilingkod sa mga pampublikong ospital. Ang grupong Medical Action Group ay tahasang tinuligsa sa kanilang pahayag ang kapabayaan ng administrasyong Duterte sa pangangasiwa ng nagpapatuloy na krisis pangkalusugan. Para pa sa mga kasapi nitong doktor, nars, at iba pang propesyunal, walang karapatan ang pangulong tumakbo pa sa pagkapangalawang pangulo dahil bigo ang mga kasalukuyang patakaran nito na tugunan ang pandemya at tadtad pa ang mga ito ng anomalya.

Sa halip na sagutin nang maayos ang mga isyung inilalahad ng mga health workers at bigyang-linaw ang mga sinasabing kakulangan ng administrasyon, minaliit ng tagapagsalita ni Pangulong Duterte na si Secretary Harry Roque ang mga hinaing at puna ng mga nagpoprotestang health workers. Saang planeta raw ba nakatira ang mga health workers na puná nang puná kay Pangulong Duterte? Katwiran pa niya, buong mundo naman daw ang “sinasalanta” ng COVID-19. “Nirerespeto” naman daw ng tagapagsalita ng pangulo ang opinyon ng mga aniya’y “[walang] mabuting masabi tungkol [sa pangulo].”

Kung papatulan nila ang pasaring na ito ni Secretary Roque, baka nga mas gusto ng ating mga health workers na tumira na lang sa ibang planeta—kung pwede lang sanang mabuhay doon. Napakalaking sakripisyo na ang ibinibigay ng ating mga doktor, nars, at iba pang nagtatrabaho sa ating mga ospital na umaapaw sa mga pasyente ngayon. Buhay at kaligtasan nila ang nakataya. Mula nang magsimula ang pandemya, umabot na sa 103 na medical workers ang namatay sa Pilipinas, at marami ang mga nahawahan ng sakit ngunit bumalik pa rin sa paglilingkod. Sa halip na ibigay sa kanila ang nararapat at sapat na benepisyo—katulad ng meals, accomodation, at transportation allowances—ang naiisip na pagpapakita ng pagpapahalaga sa kanila ay ang pagpapatayo ng isang memorial wall sa Libingan ng mga Bayani.

Sabi nga sa Catholic social teaching na Mater et Magistra, ang bunga ng pagkukulang ng pamahalaan ay kaguluhang tila sakit na hindi malulunasan. Kung tunay na sapat ang ibinibigay na suporta ng pamahalaan sa ating mga medical front liners na silang nasa unahan ng ating laban sa COVID-19 at kung naging maayos ang pagtugon ng pamahalaan sa simula pa lamang ng pandemya, hindi siguro aabot sa mahigit dalawang milyon ang magkakaroon ng sakit na ito. Hindi siguro aabot sa mahigit 34,000 ang mamamatay sa COVID-19. Hindi siguro tayo mananatiling nasa lockdown nang napakahabang panahon at hindi marami ang magsasarang negosyo at mawawalan ng hanapbuhay.

Ngunit gaya ng ipinahihiwatig ng mga naging salita ni Secretary Roque, tila minamaliit lamang ng ating pamahalaan ang hirap na pinagdaraanan at kinasasadlakan natin. Kung isa ka sa mga health workers na pagod na pagod na sa pag-aasikaso sa mga nagkakasakit, ano ang dating sa iyo ng mga lumalabas sa bibig ng ating mga lider? Para pa kay Pangulong Duterte, hindi naman daw masyado ganoon karami ang namamatay sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa. Kung isa ka sa mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa COVID-19, ano ang mararamdaman mo sa mga salitang ito?

Mga Kapanalig, paalala nga sa Mga Taga-Efeso 4:29, “Huwag kayong gumamit ng masasamang salita; lagi ninyong sikapin na ang pangungusap ninyo’y makakabuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng mga makakarinig.” Sa madilim, malungkot, at nakapanghihinang kalagayan natin ngayon, kailangan natin ng mga salitang magbibigay sa atin ng liwanag, pag-asa, at lakas. At kailangang may kaakibat na gawa ang mga salitang ito—mga gawang nagpapakita ng tunay na pakikiramay, hindi pagkamanhid; pagmamalasakit, hindi kawalang-pagpapahalaga.

Sumainyo ang katotohanan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,396 total reads

 13,396 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 14,540 total reads

 14,540 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 29,671 total reads

 29,671 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 67,048 total reads

 67,048 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 98,318 total reads

 98,318 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 173,672 total reads

 173,672 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 266,460 total reads

 266,460 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Halimbawa sa taumbayan

 29,672 total reads

 29,672 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 67,049 total reads

 67,049 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 98,319 total reads

 98,319 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 173,673 total reads

 173,673 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »
Scroll to Top