VeritasPH

The Word, The Truth

Hindi dapat maging hadlang ang COVID 19 sa pagtupad ng mga Pari sa misyon-Bishop Peralta

SHARE THE TRUTH

 305 total views

Binigyang diin ng pinunong pastol ng Archdiocese of Nueva Segovia na dapat hindi manaig ang takot ng mga pastol ng simbahan sa patuloy na pagtupad ng misyon sa lipunan.

Ito ang mensahe ni Archbishop Marlo Peralta kasunod ng tumataas na kaso ng mga nahawaan ng coronavirus sa lipunan.

Paalala ng arsobispo sa mga kapwa pastol na alalahanin ang mensahe ni Hesus sa bawat isa na huwag matakot sapagkat ito ay kasama sa paglalakbay at pagharap sa anumang hamon ng buhay.

“As priests, while we are also afraid of the COVID virus, let us not allow our fears to paralyze us into action, forgetting the people who need us, especially during these times,” bahagi ng liham sirkular ni Archbishop Peralta.

Hamon ng arsobispo sa mga pari ang pagiging malikhain sa paggawa ng mga hakbang upang maipagpatuloy ang pagtupad sa misyong ibahagi ang mabuting balita sa pamayanan.

Iginiit nitong higit na kailangan ng tao sa kasalukuyan ang Banal na Eukaristiya na magbibigay kalakasan hindi lamang sa pisikal kundi maging sa espiritwal na aspeto ng tao.

Mungkahi ni Archbishop Peralta na makipag-ugnayan ang simbahan sa lokal na pamahalaan at mga barangay upang makapagdaos ng banal na misa sa malalawak na lugar upang matiyak ang safety protocol ng mananampalataya tulad ng physical distancing.

“We need to use our creativity to find ways whereby we are able to continue to celebrate Mass in our barangays. Most of our mayors and barangay captains are Catholics. Let us appeal to their Christian conscience. There’s always room to haggle with them when we arrange for barangay mass,” ani ng arsobispo.

Tinukoy ni Archbishop Peralta ang mga covered courts na maaring pagdausan ng banal na misa na sapat ang espasyo para sa pag-aagwat ng bawat dadalo.

Binigyang diin din ni Archbishop Peralta ang kahalagahan ng paggawad ng sakramento ng pagpapahid ng banal na langis sa mga maysakit lalo na sa mga nahawaan ng COVID-19.

Makipag-ugnayan lamang ang pari sa mga medical frontliners sa pagtupad sa pinakamahigpit na panuntunan upang mapangalagaan ang sariling kalusugan sa pagpapahid ng langis sa mga COVID-10 patients.

“If these doctors and nurses continue to give health care to COVID patients, all the more reason for us priest to take care of their souls; let us take our cue from our doctors and nurses who despite their fears, continue to care for COVID patients,” dagdag ni Archbishop Peralta.

Sa kasalukuyang tala ng pamahalaang lokal ng Ilocos Sur na nasasakop ng Archdiocese ng Nueva Segovia halos tatlong libo ang active COVID cases sa lalawigan.

Tiniyak ni Archbishop Peralta ang patuloy na pagpapastol sa kawan ng arkidiyosesis sa gitna ng mapanganib na laban kontra COVID-19.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 11,668 total views

 11,668 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 19,713 total views

 19,713 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 24,793 total views

 24,793 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 30,500 total views

 30,500 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 39,288 total views

 39,288 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa ika-5 AACOM

 2,481 total views

 2,481 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Cebu ang mananampalataya na makiisa sa ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, magandang pagkakataon ang pagtitipon upang magbuklod ang mananampalataya sa pag-asang dulot ng habag at awa ng Panginoon na ipinapadama sa sangkatauhan. “To hope is to believe in something good. But

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Day of prayer for WPS, isasagawa ng Archdiocese of Lingayen Dagupan

 2,489 total views

 2,489 total views Maglulunsad ng Day of Prayer for the West Philippine Sea ang Social Action Ministry ng Archdiocese of Lingayen Dagupan sa Pangasinan. Ito ang hakbang ng arkidiyosesis para isulong ang mapayapang pagresolba sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Ipinabatid ng St. John the Evangelist Parish sa Infanta Pangasinan na mahalagang palakasin

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inanyayahan sa National Fatima convention

 3,041 total views

 3,041 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima of the Philippines ang mananampalataya na lumahok sa isasagawang National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion. Isasagawa ito sa December 10, 2024 sa Mary Mother of Hope Chapel ng Landmark Trinoma sa Quezon City. “Marian devotees, members of church organizations (Fatima and

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Isabuhay ang halimbawa ng Birhen ng Antipolo, habilin ng Obispo sa mga deboto

 3,073 total views

 3,073 total views Nagpasalamat si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga debotong nakiisa sa pilgrimage season ng diyosesis sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Sa pagatatapos ng Ahunan sa Antipolo nitong July 9,binigyang diin ng obispo ang paalalang bukas-palad na tinanggap ng Mahal na Birhen ang bawat debotong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Aplikasyon na maging international shrine ang national shrine of St. Padre Pio, suportado ng CBCP

 4,117 total views

 4,117 total views Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang hakbang ng Archdiocese of Lipa na maging international shrine ang National Shrine of San Padre Pio sa Santo Tomas Batangas. Sa ginanap na press conference ibinahagi ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na sinang-ayunan ng buong kalipunan ang aplikasyon ng pambansang dambana

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Cagayan de Oro, nagpapasalamat sa matagumpay na 128th-CBCP plenary assembly

 4,260 total views

 4,260 total views Nagpasalamat ang Archdiocese of Cagayan De Oro sa Panginoon sa paggabay sa matagumpay na makasaysayang pagtitipon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Mindanao. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, biyaya ng Diyos ang pagkakataong ibinigay ng CBCP sa arkidiyosesis na pangasiwaan ang pagtitipon ng mga pastol ng simbahang katolika sa bansa. “We

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pastoral exhortation sa 5-dekada ng Alay Kapwa Program, hiniling ng Caritas Philippines sa CBCP

 4,267 total views

 4,267 total views Isinusulong ng Caritas Philippines sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpapalabas ng pastoral exhortation sa ikalimang dekada ng Alay Kapwa program ng simbahan. Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na mas pinalawak nito ang programang Alay Kapwa upang higit na makapaglilingkod sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 national shrines, itinalaga ng CBCP

 4,571 total views

 4,571 total views Inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagtalaga ng national shrine ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy sa Novaliches Quezon City at Diocesan Shrine of Our Lady of Assumption o Maasin Cathedral sa Leyte. Ginawa ang pag-apruba sa dalawang national shrines sa bansa sa unang araw ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 paring Cebuano, itinalaga ni Pope Francis sa Vatican

 6,950 total views

 6,950 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ang dalawang Cebuanong pari sa mga tanggapan ng Holy See sa magkakaibang lugar. Inihayag ng Archdiocese of Cebu ang pagtalaga ni Pope Francis kay Msgr. Jan Thomas Limchua bilang Counselor of the Apostolic Nunciature ng Kingdom of The Netherlands habang Attache ng Apostolic Nunciature of Ivory Coast naman

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Panalangin, hiling ng Obispo sa ika-128 CBCP plenary assembly

 7,466 total views

 7,466 total views Humiling ng panalangin ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa matagumpay na pagpupulong ng mga obispo sa Archdiocese of Cagayan de Oro. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino chairperson, Antipolo Bishop Ruperto Santos, mahalaga ang panalangin ng mananampalataya para sa makabuluhan at mabungang pagtitipon na makatutulong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagpapanibago ng puso ng mga taong nagsusulong ng digmaan, panalangin ni Pope Francis

 8,181 total views

 8,181 total views Hiniling ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus ang pagpapanibago ng puso ng mga taong patuloy na nagsusulong ng digmaan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ito ang bahagi ng panalangin ng santo papa sa lingguhang general audience sa Vatican sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo na tinaguriang Sacred Heart of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Parangalan si Pope Francis, panawagan ng Papal Nuncio sa mananampalataya

 11,019 total views

 11,019 total views Inaanyayahan ng opisyal ng Vatican ang mga Pilipinong makiisa sa taunang pagdiriwang ng Pope’s Day sa June 29, 2024. Sa panayam ng Radio Veritas kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, inihayag nitong ito ang pagkakataong gunitain sa pamamagitan ng panalangin ang malaking tungkulin na ginagampanan ng santo papa sa simbahang

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Bagong Obispo ng Diocese of Virac, humiling ng panalangin

 17,191 total views

 17,191 total views Hiniling ni Virac Bishop Luisito Occiano ang patuloy na panalangin kasabay ng pagsisimula ng kanyang bagong misyon bilang pastol ng Diocese of Virac, lalawigan ng Catanduanes. Ito ang kahilingan ng obispo makaraang mailuklok sa cathedra ng diyosesis sa Immaculate Conception Cathedral and Parish sa Virac nitong June 26, 2024. Sinabi ni Bishop Occiano

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan

 12,803 total views

 12,803 total views Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan sa lipunan. Ito ang pagninilay ng cardinal sa paglunsad ng Rosas ng Sampiro Festival sa Makati City nitong June 23, 2024. Ayon sa arsobispo, tulad ng Mahal na Ina na buong tapang na nanatili sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Bagong Obispo ng Virac, sisikaping maging daluyan ng biyaya ng panginoon

 13,365 total views

 13,365 total views Tiniyak ng bagong obispo ng Diocese of Virac na gagampanin ang panibagong misyong kakaraharapin sa pagpapastol sa humigit kumulang 300-libong kawan sa lalawigan ng Catanduanes. Ayon kay Bishop Luisito Occiano hango sa kanyang episcopal motto na ‘Cum Gaudio Praedicare’ sisikapin nitong itaguyod at palaguin ang pananampalataya ng nasasakupang kawan at ipadama ang habag

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top