Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pamamahalang manhid at walang pagpapahalaga

SHARE THE TRUTH

 154 total views

Mga Kapanalig, upang tawagin ang pansin ng pamahalaan sa kanilang nararanasang pagod at kakulangan sa natatanggap na benepisyo at proteksyon sa kanilang pagtatrabaho, ilang beses nang nagsagawa ng mapayapang protesta ang ilang health workers nating naglilingkod sa mga pampublikong ospital. Ang grupong Medical Action Group ay tahasang tinuligsa sa kanilang pahayag ang kapabayaan ng administrasyong Duterte sa pangangasiwa ng nagpapatuloy na krisis pangkalusugan. Para pa sa mga kasapi nitong doktor, nars, at iba pang propesyunal, walang karapatan ang pangulong tumakbo pa sa pagkapangalawang pangulo dahil bigo ang mga kasalukuyang patakaran nito na tugunan ang pandemya at tadtad pa ang mga ito ng anomalya.

Sa halip na sagutin nang maayos ang mga isyung inilalahad ng mga health workers at bigyang-linaw ang mga sinasabing kakulangan ng administrasyon, minaliit ng tagapagsalita ni Pangulong Duterte na si Secretary Harry Roque ang mga hinaing at puna ng mga nagpoprotestang health workers. Saang planeta raw ba nakatira ang mga health workers na puná nang puná kay Pangulong Duterte? Katwiran pa niya, buong mundo naman daw ang “sinasalanta” ng COVID-19. “Nirerespeto” naman daw ng tagapagsalita ng pangulo ang opinyon ng mga aniya’y “[walang] mabuting masabi tungkol [sa pangulo].”

Kung papatulan nila ang pasaring na ito ni Secretary Roque, baka nga mas gusto ng ating mga health workers na tumira na lang sa ibang planeta—kung pwede lang sanang mabuhay doon. Napakalaking sakripisyo na ang ibinibigay ng ating mga doktor, nars, at iba pang nagtatrabaho sa ating mga ospital na umaapaw sa mga pasyente ngayon. Buhay at kaligtasan nila ang nakataya. Mula nang magsimula ang pandemya, umabot na sa 103 na medical workers ang namatay sa Pilipinas, at marami ang mga nahawahan ng sakit ngunit bumalik pa rin sa paglilingkod. Sa halip na ibigay sa kanila ang nararapat at sapat na benepisyo—katulad ng meals, accomodation, at transportation allowances—ang naiisip na pagpapakita ng pagpapahalaga sa kanila ay ang pagpapatayo ng isang memorial wall sa Libingan ng mga Bayani.

Sabi nga sa Catholic social teaching na Mater et Magistra, ang bunga ng pagkukulang ng pamahalaan ay kaguluhang tila sakit na hindi malulunasan. Kung tunay na sapat ang ibinibigay na suporta ng pamahalaan sa ating mga medical front liners na silang nasa unahan ng ating laban sa COVID-19 at kung naging maayos ang pagtugon ng pamahalaan sa simula pa lamang ng pandemya, hindi siguro aabot sa mahigit dalawang milyon ang magkakaroon ng sakit na ito. Hindi siguro aabot sa mahigit 34,000 ang mamamatay sa COVID-19. Hindi siguro tayo mananatiling nasa lockdown nang napakahabang panahon at hindi marami ang magsasarang negosyo at mawawalan ng hanapbuhay.

Ngunit gaya ng ipinahihiwatig ng mga naging salita ni Secretary Roque, tila minamaliit lamang ng ating pamahalaan ang hirap na pinagdaraanan at kinasasadlakan natin. Kung isa ka sa mga health workers na pagod na pagod na sa pag-aasikaso sa mga nagkakasakit, ano ang dating sa iyo ng mga lumalabas sa bibig ng ating mga lider? Para pa kay Pangulong Duterte, hindi naman daw masyado ganoon karami ang namamatay sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa. Kung isa ka sa mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa COVID-19, ano ang mararamdaman mo sa mga salitang ito?

Mga Kapanalig, paalala nga sa Mga Taga-Efeso 4:29, “Huwag kayong gumamit ng masasamang salita; lagi ninyong sikapin na ang pangungusap ninyo’y makakabuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng mga makakarinig.” Sa madilim, malungkot, at nakapanghihinang kalagayan natin ngayon, kailangan natin ng mga salitang magbibigay sa atin ng liwanag, pag-asa, at lakas. At kailangang may kaakibat na gawa ang mga salitang ito—mga gawang nagpapakita ng tunay na pakikiramay, hindi pagkamanhid; pagmamalasakit, hindi kawalang-pagpapahalaga.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 6,843 total views

 6,843 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 19,983 total views

 19,983 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 25,956 total views

 25,956 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 31,711 total views

 31,711 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 38,973 total views

 38,973 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 6,844 total views

 6,844 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 19,984 total views

 19,984 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 25,957 total views

 25,957 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 31,712 total views

 31,712 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 38,974 total views

 38,974 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,118 total views

 41,118 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,499 total views

 36,499 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,503 total views

 48,503 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,545 total views

 56,545 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,102 total views

 48,102 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,527 total views

 46,527 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,313 total views

 48,313 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,238 total views

 45,238 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,552 total views

 59,552 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,242 total views

 63,242 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top