Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 555 total reads

Kapanalig, sayang, malayo na sana ang narating ng Asya sa pagwaksi ng kahirapan. Noong 1999, bumaba ng 1.2 billion mula 1.5 billion noong 1990 ang bilang ng mga Asyanong nabubuhay sa sukdulang kahirapan. Mas bumababa pa ito hanggang 273 million na lamang noong 2015 noong matapos ang Millennium Development Goals.

Kaya lamang, parami na ulit ng parami ang naghihirap sa Asya at sa ating bayan ngayon. Halos binawi ng COVID-19 ang kaunlarang nakamit ng maraming mga Asyano ng mga nakaraang dekada. Ayon sa datos ng Asian Development Bank, 75 hanggang 80 milyong Asyano ang naitulak ng COVID 19 sa sukdulang kahirapan o extreme poverty. Maraming mga Asyano ang nagbabawas ng pagkain at nagbebenta na ng mga gamit para lamang makaraos ngayong pandemya. Marami kasi ang nawalan ng trabaho. Dito sa ating bansa, ayon sa opisyal na datos noong Hulyo, bumagsak ang labor participation rate sa 59.8% mula 65% noong Hunyo.

Kapanalig, kailangang mabigyan natin ng tutok na atensyon ang kahirapan sa bansa. Ang mga coping mechanisms na ginagamit ng maralita ngayon ay maaring malaki pa rin ang epekto sa hinaharap. Kahit pa umusad na ang ekonomiya ng bayan, marami pa ring mga kababayan natin ang maaring maiwan sa karalitaan dahil sa kanilang mga paraang ginawa upang makaraos. Halimbawa, kung nagbabawas sila sa pagkain ngayon, maaring ma-stunt o mapigilan ang growth o paglaki ng kanilang mga supling. Kung nagbenta man sila ng mga gamit para may panggastos, mababawasan sila ng kapital o kagamitan na magagamit nila sa pang-araw araw na buhay o miski sa negosyo.

Sa ganitong sitwasyon, nakikita natin ang importansya ng social protection. Kailangan may pantawid ang mga mamamayan para sa mga krisis na kanilang dinadanas sa buhay. Sa ibang advanced na bansa, may mas malaki at consistent na proteksyon ang mga mamamayan kapag bigla silang nawalan ng income o trabaho. Sa ibang bayan, may mga food for work program na makakaibsan ng gutom ng pamilya. Kailangan magawa ito sa ating bansa ngayon, kung hindi man ng nasyonal na gobyerno, maari sana sa lokal na gobyerno.

Ang panlipunang turo ng Simbahan ay lagi tayong pina-aalahanan na huwag kalimutan ang mga mahihirap. Tinatanong tayo sa 1 Jn 3:17, “If someone who has the riches of this world sees his brother in need and closes his heart to him, how does the love of God abide in him?” Wala dapat iwanan, kapanalig. Lahat tayo ay magkaka-ugnay, kapanalig. Ang ating pagsulong ay hindi magiging ganap at makahulugan kung hahayaan nating hirap ang iba nating kababayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,837 total reads

 11,837 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 13,093 total reads

 13,093 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 27,292 total reads

 27,292 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 64,670 total reads

 64,670 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 95,940 total reads

 95,940 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 171,424 total reads

 171,424 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 264,327 total reads

 264,327 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Halimbawa sa taumbayan

 27,293 total reads

 27,293 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 64,671 total reads

 64,671 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 95,941 total reads

 95,941 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 171,425 total reads

 171,425 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »
Scroll to Top